#Sana'y MaHaLaTa
#RomancePH
HIRAYA'S POV
Napabangon ako mula sa pagkatulog ng marinig ang mga huni ng ibon at ang sigawan ng mga tao.Tumayo ako upang buksan ang pinto at silipin kung ano ba ang kanilang pinagkakaguluhan.Ang aking noo'y agad na nagpakita ng linya."Hindi ba't masyado pang maaga upang sila'y mag-ingay?"Ani ko.
Hindi man ganoon ka-linaw ang aking paningin ngunit nakikita ko parin ang aninag ng dilim at ang ningas ng apoy.Pumasok sa aking maliit na kubo at kinuha ang isang bamboo stick-ang aking katuwang sa araw-araw.Sinara ko ito at dahan-dahan lumapit upang marinig ang kanilang pinagdidiskusyunan ng may humigit sa aking braso.Nakilala ko naman agad ang kaniyang mukha at tinig."Nakita mo ba ang oras,Hiraya?"
"Hindi po,Tiya.Ano po bang mayroon?"
"Alas otso na ng umaga ngunit.."Ramdam ko ang takot mula sa kaniyang tinig kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay."..hindi pa rin sumisikat ang araw."
Napatigil ang aking paghinga."Po?"
"Akala ko nung una mali lamang ang aking nakita ngunit paggising ko natanaw ko ang isang napakagandang babae malapit sa lawa.Basa ang buo niyang katawan at damit ngunit ito'y nagniningning na parang bituin at ilang sandali lamang doon na rin namin napansin kung bakit hanggang ngayon walang liwanag ang sumisikat dito sa ating bayan."
"Ano pong sinasabi niyo,Tiya?"
"Nandito sa Bayan ng San Juan ang Diyosa ng Araw."
Pagkatapos ng aming diskusyon nagpaalam ako na ako'y babalik na sa aking kubo at kumalma na rin ang mga tao at bumalik na sa dati.Aking sinusuklayan ang mahaba kong buhok ng may kumatok mula sa aking pinto.
Lumapit agad ako ngunit napatigil ng marinig ang sinabi ni Tiya kanina.Nandito sa Bayan ng San Juan ang Diyosa ng Araw.Paano kapag siya ang kumakatok sa aking pintuan?Hindi pwede,hindi ito maari.
Hindi nila pwedeng malaman.
"Hiraya,hindi ka ba bibili ng suman?"Napangiti at napakalma ang aking arili ng marinig ang kaniyang tinig.Walng mananakit sayo,Hiraya.Binuksan ko ang pinto at ngumiti kay Mang Theodore."Magandang Araw po.Tatlong piraso po ng suman."Maputi na ang buhok ni Mang Theodore at ang bilao'y laging nasa kaniyang ulo.Para ko na rin itong naging kapamilya dahil katulad ko isa rin itong ulila.
"Hay,Hiraya sana lahat ng mga mukha na aking pinagbentahan ay katulad sa iyo.Alam ko namang maraming tanim ang mahihirapan dahil hindi sumikat ang araw pero kung ang paghanap ng paraan ang kanilang ginagawa kesa ang paglalasing at pagwawala baka magawan pa ng paraan."
Tumingin ito sa mga tao at umiling."Dito talaga makikita kung gaano tayo magpapakatao."Lumingon ito sa akin."Mamaya,bibisita ako rito.Ipagtimpla mo ako ng masarap mong kape,ha?"
Ngumiti ako."Opo naman.Basta kwentuhan niyo rin po ako patungkol sainyo ni Lola Clara?"
"Aba'y,sige ba."Nakita ko ang pamilyar niyang ngiti.Ngiting nagmamahal pa rin.
Nang magpaalam,sinara ko agad ang pinto at pumasok sa aking kusina upang ayusin ang binili kong suman.Hindi ko alam kung dahil lang ito sa pag-iisip ngunit tumayo ang balahibo mula sa aking katawan at pinagpapawisan ang aking noo.
"Hiraya.."
Napaigtad ako at nabitawan ang plato na aking hawak at napaharap kung saan nanggagalin ang tinig.Agad kong nasilayan ang isang nagniningning na babae."Huwag kang matakot..hindi kita sasaktan."Mala-anghel na boses nitong sabi.
"Huwag kang lalapit sa akin."Nanginginig kong tono.
"Ako si Hana..ang Diyosa ng Araw at kailangan ko ng iyong tulong,Hiraya."Umiiyak nitong saad.
YOU ARE READING
One Shots (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsThis one shots are filled with different topics with different genres.It's still on-going but i'm gonna update it once a week so stay tuned! This is also a preparation for my upcoming novels. Started: 08/27/22 Ended: 04/30/23 (Completed)