Timmy's POV
"AAAAHHHHH!!!!! UMI!! HALIKA DITO SA KWARTO, DALI!! AHH!" Sigaw ko. Narinig ko naman ang mga yabag ng paa na papaakyat ng kwarto.
"Oh, anong nangyari sayo?! May masakit ba sayo?! Tatawag ako ng doktor."
"UMI HALIKA DITO SA SALAMIN, TIGNAN NIYO."
"Anong nasa salamin?"
Humarap ako sa salamin. Humarap din siya.
"UMI, BA'T ANG GWAPO KO? (^v^)"
(¬_¬)ノ *PAAKKK*
"ARAY KO POO!!!" Binatukan ako. T.T
"Walangya kang bata ka! Halos mataranta ako sayo! Ano bang pumasok jan sa utak mo ha, Timtoy?! Ikaw talaga kahit kailan kalokohan ang nasa utak mo!" Humahawak pa siya sa dibdib niya. Naku, Umi. Sorry po.
"Umi, sorry po talaga. Eh talaga naman pong di ko sinasadya. Nanibago lang po talaga ako sa itsura ko ngayon. Hehehe. Ano, gwapo po ba?!" Tinaas taas ko pa yung dalawang kilay ko.
"Hay, ang laki na talaga ng pinagbago ng Timtoy ko!! Hahaha! Oh, bumaba kana at kumain. Basta, wag mo ng ulitin yung ginawa mo ha? Halos himatayin ako sayong bata ka." Sabi niya habang palabas ng kwarto ko.
Yun pala si Manang Beth. Matagal na siyang nagtatrabaho sa'min. Umi tawag ko sa kanya kasi naturingan ko na rin siyang mommy ko. Siya kasi nagbabantay sa'kin simula nung baby pa ako. Yung Timtoy? Naku, wag niyo ng pansinin yun. ╮(─▽─)╭
Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Pagkatapos kong kumain, pumunta na akong school.
"Timmy! Dalian mo!!" Sigaw sa'kin nina Harold. Waa~ Namiss ako ng mga ugok na to. (^.^) Tumakbo naman ako papalapit sa kanila.
"Miss niyo ko nuh? Uyy, aminin."
"Sira. Pupunta tayong dorm. May meeting daw."
Ayun, nagsimula na kaming maglakad papuntang dorm. Haha. Baka may bago na naman kaming makakalaban. Hohoho!
Lance'sPOV
Andito kami ngayon lahat sa dorm. Ano na naman kayang problema?
"Guys, we need to practice na naman. May makakalaban na naman tayo. This September."
"Matagal pa naman ah? Ba't ang aga natin mag-practice?"- Nathan
"Malalakas sila. And we even don't know them that well. Di natin alam may pasabog pala yung mga yun."
"Eh sino ba yang mga yan? Nagpadala na pala ng sulat? Tsss. Ang aga ha." Sabi ni Keith habang umiinom ng tubig.
"Break and Bend." Ahh, so yun pala meaning nung BAB.
"Ano ba naman yan! Ang bantot ng group name! Sus, pangalan palang talo na eh. Break and Bend, Lucky Spices. Oh diba?" Pag-aasar ko. First time na lumabas sa bibig ko yun ah.
"So yun na nga. We need to practice as soon as possible. Balita ko kasi, maaangas tong mga to. By the way, they're from MKDU. Tatlo sa kanila dun, taga ibang MarKnollian school. So, no more questions?" Umiling naman kaming lahat. Pagkatapos nun, tamang-tama na paglabas namin nag-bell na. Pumasok na kami ni Vlaude at Harold sa room.
"Hey, diba ngayon yung mag-iintroduce ang mga teachers?" Tanong ko kay Vlaude tapos tumango naman siya.
"Good morning class. I am Mrs. Kirsten Laurel. I'll be your adviser for this school year. I am expecting so many things for you all. Ngayon sinasabihan ko na kayo na ayoko ng mga students na MATITIGAS ang ulo, yung mga MASYADONG PABIDA lalong-lalo na yung mga DI-NAKIKINIG. Understand?" Tumango naman kaming lahat. Hay, ang dami namang ayaw nito ni Ma'am Laurel.

BINABASA MO ANG
Books of Love [Teen/Fan Fiction]
ФанфикBooks give you knowledge to the world. Once you've read a book, your imagination starts to grow. It enhances our minds to think on what we have read. But what if books also lead us to the one we are destined to? What if in books starts our love st...