Page 10

38 3 0
                                    

[A/N]

Natutuwa ako at medyo marami-rami na rin yung nagbabasa ng BOL. Naiiyak na ako. Chos~ Kahit sobrang gulo nito at least nai-managed ko naman ng maayos.

I want to thank @Chronic_Queen for my cover. Alam kong naloka ka. XD I appreciated your effort. So as an honor, I'll dedicate another chapter for you. Basahin mo rin 'to if ever you want. Hahaha. Thank you very much!

So here's Page 10. Enjoy~

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Asheer's POV

"Oi, Ash. Paano nga i-solve yung sa product of a sum?" Tanong ni Ryan.

Tsss. Ang aga naming nag-quiz -_-. Mathematics pa talaga. Nakakabagot. Bago pa talaga yung teacher. Huehue.

2nd period na namin sa umaga. Ang gwapo pa ng katabi ko. Hahahaha. Si Ryan, barkada rin ni Garyl. Eme.

Pinakita ko naman sa kanya yung solution. Nagstu-stutter pa nga akong kausap siya eh. Sikat kaya siya. Baka mapatay pa ako ng mga nagnanasa sa kanya eh.

"Thank you ah." Sabi niya tsaka sumagot na.

"Ok class. Ipagpaliban niyo na muna yan. May bago kayong classmate. Iha, pasok." Pinapasok na ni Sir Ramirez yung bagong classmate raw namin.

"Good morning everyone. I'm Samantha Cheska Park. And I came from Georgia Academy in Canada. Hope we can be friends." She's pretty, pero mukhang bad girl.

Napansin ko tuloy yung answer sheet kong nalulukot. Nilulukot ni Ryan yung papel ko!
"Ryan, what are you doing?! Yung answer sheet ko! O_O." Di niya ako tinitignan. Nanginginig pa nga siya eh. Tingin ng tingin lang siya dun sa babae at pawis na pawis. Ano bang problema nito? Ni hindi niya pa nga inaalis yung kamay niya sa answer sheet ko eh. Kaya bago pa mapunit yung papel ko, ako na mismo ang nag-alis ng kamay niya.

"Ryan? Hoy, anong problema mo? Tingnan mo nga yung answer sheet ko oh, lukot na lukot! Ryan. Oi, Ryan." Niyugyog ko pa siya para matauhan siya.

"A-ash. Si.. Si.. Si.." Dun niya pa ako tinignan. Ganito yung mga mata niya oh---- O____O' tapos pinagpapawisan pa. Ano bang problema nito.

"Ms. Park, you can seat at the back. Class, please continue your work. Ms. Park, bibigyan na lang kita ng review mamaya. Sige, lalabas na muna ako sandali. Wag maingay. "

Lumabas na si Sir. Naupo naman si Samantha dun sa may back seat. Halos puno na kasi yung nasa harapan eh. Napansin ko naman si Ryan na sumilip siya sa bandang likod kung saan umupo yung si Samantha.

"Uy, crush mo yun noh? Aminin. ヽ(*≧ω≦)ノ" Tinignan niya naman ako na nakataas ang kilay.

"Ewan ko nga sayo." Binaling niya na tingin niya dun sa answer sheet niya. Pinapawis na talaga siya.

Books of Love [Teen/Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon