Page 19

20 1 0
                                    

Denver's POV

"Class dismissed. See you on Monday." Ani Ms. Laurel habang naglalakad at hawak-hawak ang tiyan. Nakita ko naman sa labas si Lance na may kasamang babae at kinuha 'yung mga dala ni Ms. Laurel. Sinenyesan ko naman si Lance na magmadali.

Nagmadali naman akong bumaba at dumiretso ng canteen para kumain ng ila-lunch ko. Nakita ko naman ang barkada ko at dumiretso sa table nila. Ano na naman kayang pag-uusapan namin?

"Denver, ba't ba ang tagal mo?" Sabi ni Harold.

"Sorry. Ano bang pag-uusapan natin?" Sabi ko habang pinapagpag 'yung bag at polo ko.

"Guys, I hate that group. Ever! Gusto ata ng gulo eh." Sabi ni Harold na may halong pagkairita. Halatang walang tulog. Pansin din kasi sa mga eyebags niya eh.

"What group?" I said as I take a bite of my ginger bread. This time, tumayo na si Harold at sinipa 'yung isang upuan. I don't get him. Pinagti-tingin-an tuloy kami ng mga tao na nando'n.

"Dude, kalma ka lang okay?. Spill it." Sabi ni Lance habang pinapa-upo niya si Harold.

Naupo naman siya at kumalma. "BAB. It's because of BAB. I hate that group. Ugh. They want to extend it on December. Like, what the hell! Ano ba'ng nasa isip nila? AISH!" Ginulo niya 'yung buhok niya at kinain 'yung ginger bread ko. Aba..

"Hoy, Harold! Bayaran mo 'yan." Pagbabanta ko kay Harold. Siyempre, joke lang 'yun. Para naman tumawa siya ng kahit konti. :D

But I failed. "Oh, singkwenta. Denver, we need to practice our band at saka kailangan rin natin ma-enhance 'yung mga self defense natin. You know what I mean and I'll assign you. If I know, they want war." Sabi niya at umalis. Ang labo namang kausap nito. Magpapatawag ng meeting tapos aalis. Kabastusan. (━┳━__━┳━)

"Denver, sasamahan na kita dito." Sabi ni Garyl habang hawak-hawak niya 'yung tray ng pagkain niya. Umalis na rin kasi 'yung ibang mga kasamahan namin eh. Nagkanya-kanya. Ang sama rin nila noh.

"Pa'no ba 'yan. Tuturuan ko na naman kayo ng mga martial arts. Ano bang nangyari do'n kay Harold. Naka-drugs ba 'yun?" Sabi ko sabay subo nu'ng pagkain ko.

Napabuntong hininga naman siya. Tinuhog-tuhog niya 'yung pasta niya. Umiling lang naman siya at nag-shrug ng shoulders. Napatahimik naman kami sandali.

"Si Lance oh. Nag-iisa." Turo niya gamit 'yung tinidor niya. Nag-iisa nga siya. Tinignan ko lang siya.

Binaling ko na naman 'yung tingin ko sa pagkain ko. "Oh ano naman ngayon?"

"Pfft. Hey, tagal na no'n ah. 'Di pa rin maka-move on?"

Tinignan ko naman siya ng masama. "Ano bang pinagsasabi mo?" Alam ko namang anong ibig niyang sabihin eh. About do'n sa past na 'di ko na dapat inaaalala pa.

Nilapit naman niya 'yung mukha niya. "Den-den, kalimutan mo na 'yun. We're a family right? Matagal na 'yun."

'Di ko siya tinignan. Napatigil naman ako at lumingon sa dako ni Lance na kumakain lang na mag-isa.

Kailangan ko na ba siyang patawarin? Ang hirap kasi eh. Siya kaya nasa sitwasyon ko. Alam kong ang tagal na no'n. I know we're a family but.. kahati ko siya. Kahati ko siya sa nagpapatibok ng puso ko. 'Yong babaeng mahal ko pa hanggang ngayon.

"Hoy, Denver." Natauhan naman ako kay Garyl. Ugh.

"So what? And besides, babae lang 'yon. I know you can still find someone better Den-den." Sabi niya saka sinipsip 'yong juice pack na binili niya.

Books of Love [Teen/Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon