Page 13

30 2 0
                                    

Christian's POV

Hoo~ Di ko akalain na ang bilis pala ng panahon. Friday na at yun nga. Babad kami ng homework. ╥O╥

"Chan, may patry - out sa Tuesday. Sali ka ha? Mag-encourage ka na rin ng iba para dumami tayo." Sabi ni Max. Ang captain ball ng Soccer Team⚽ . Hay, ni minsan inisip ko nga na magiging captain rin ako someday. Kaso,

nakakatamad eh. ^O^ HEHEHEHE.

Bumaba na ako ng room at hinanap si Clarissa. Pauwi na rin kasi ako at sabay talaga kami kung umuwi. Nakapag-sorry naman na ako sa kanya nung isang araw about dun sa incident na nagawa ni Kaden. Mabuti nga at okay lang naman sa kanya. At least wala naman daw nangyari. Nagka-bukol lang. –_–

Palabas na ako ng room nun nang makita ko si Vlaude.

"Vlaude!"

Napatingin naman siya sa direksyon ko. He smiled and then lumapit sa'kin.

"Oy, Chan. Saan ka pupunta?" Tanong niya at nag-bro fist naman kami.

"Eto pauwi na rin. Ikaw ba?"

"Pauwi na rin. Si Vanessa?"

"Naku, may pupuntahan raw sila ni Philip eh. Di ko alam kung saan." Sabi ko nang pababa na kami ng hagdan.

"Mauna ka na, Chan. Babalik na muna ako sa itaas. May nakalimutan ako eh." Tumango naman ako tapos umalis na siya.

Dahil hindi ko makita si Clarissa, napagpasiyahan ko na lang na pumunta na muna sa fields. Di pa naman gaano kadilim nun, kaya ok lang.

Umupo ako dun sa ilalim ng narra. Ang ganda ata ng ambiance ngayon. Hmmm.

"Hey there."

Lumingon naman ako sa bandang gilid ko. Sino naman to?

"Oh, hey." Sabi ko.

"Kabarkada mo si Lance, di ba?" Tanong niya. Nakatingin lang siya dun sa fields. Di siya lumilingon sa'kin.

"Oo. Bakit ba?" Ang ganda pala nito eh. :D

"Ah, wala lang. Si-sige." Umalis na rin siya. Eh sino ba yun?

Binalewala ko na lang yun. Tsss. Binaling ko na naman yung atensyon ko sa fields.

"Huy, Christian." Lumingon naman ako dun sa likod ko. Si Clarissa pala. Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Nakaka-inis ka naman! Bakit di mo ako hinintay ha?" Sabi niya ng kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Hinanap kaya kita. Umuwi na nga tayo." Namula naman siya kaagad ng akbayan ko.

"Alam mo Clang, may weird na babae na kumausap sa'kin kanina. Tinanong niya ako kung kabarkada ko ba si Lance."

"Pagkatapos? Mamaya ka na lang magkwento Chan. Libre ka naman ng ice cream diyan oh."

Dahil nagutom din ako, umagree naman ako sa kanya. Dun naman kami kumain sa ice cream parlor na nasa tapat lang ng school.

Pagkapasok namin...

"Clang, andito siya!"

Janna's POV

"Gaga! Chance mo na sana yun. Ang dami pa kasing iniisip eh. Ano ka ngayon? Nganga. Hmp. Ewan ko sayo Janna. Binigyan ka na eh, tinapon mo pa. Gold is time noh. Gold is time." Sabi ni Mygan habang takam na takam siya dun sa ice cream na binili niya.

"Teka, teka. Paki-ulit mo nga yung last words mo?" May mali eh.

"Gold is time. Ginto ang oras. Bakit ba?"

Books of Love [Teen/Fan Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon