Erina
"I already told you naman na diba? He won't talk to you, gosh girl! He doesn't even look at you" puno ng inis na pangaral nito but I just rolled my eyes at her direction.
"Duh? As if he can resist me" I flipped my hair before turning my gaze back at his muscular back.
"Babe!" malakas kong sigaw bago maarteng naglakad at mahigpit siyang niyakap sa likod. God amoy na amoy ko pa din ang bango niya kahit puno ng pawis dahil sa pagbabasketball.
"Shit!" rinig ko pang mura niya bago mabilis na kinalas ang mga braso ko sa pagkakayakap sa kaniya. Rinig ko pa ang malakas na kantyaw ng mga kasama niya sa aming dalawa na nginitian ko lang.
"Can you stop pestering me?" bakas ang inis sa parehong mukha at boses niya.
"I'm not" sinuklian ko siya ng matamis na ngiti at least he's talking to me now.
"Gusto ko lang ipaalala na birthday ko the very next week, I know that you're coming naman but I just want to remind you in case" agad kong kinuha ang invitation sa bag na dala ko bago ako kumuha at iniabot sa kaniya.
"What makes you think na pupunta ako?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"I just know okay? Atsaka matitiis mo ba ang girlfriend mo?" tinaasan ko siya ng kilay bago kumindat. Mas lalo namang lumakas ang sigawan ng mga kasama niya.
"Just when did you become my girlfriend?" ngayon ay mas lalong kumunot ang noo niya.
"Since you texted me drunk to come to your place and God knows what happened next" I smirked at him. Leaving him speechless.
Actually wala namang nangyari, one time lang ay nagtext siya sa akin at pinapunta ako sa condo niya, which I assumed na na wrong sent lang siya. Unlucky him though he doesn't remember a thing and lucky me I had something to make his mouth shut whenever I want to. And regarding being his girlfriend, it's self-proclaimed and I'll make sure it's the last thing I would ever let him know about that.
"All of you din, you can come to my birthday party" matamis ko silang nginitian lahat bago kumuha ng iba pang invitations sa loob ng bag ko at iniabot sa kanila.
"Can't you see we're in the middle of practicing?" Napalingon ulit ako kay Lisander nang magsalita ito.
"Oh sorry! I'll get going na." sabi ko bago mabilis na tumingkayad at hinalikan siya sa pisngi. Akmang aangal pa ito nang agad na akong tumakbo palayo sa kanila.
Tumakbo ako pabalik kay Anne matapos lumingon saglit sa kinaroroonan nila Lisander na nakakaunot pa din ang noong umiiling-iling.
"Told you, he can't resist me" sabi ko kay Anne na nakangiwi sa akin. Ngiting-ngiti kong ikinawit ang braso sa kaniya bago ito tuluyang hinila papunta sa susunod naming klase. Pumuslit kasi kami saglit para lang mapuntahan ko si Lisander sa court kung saan sila nagpapractice madalas. And being a not so supportive friend that she was, sinamahan niya ako para daw may pumukpok ng ulo ko kung sakaling mageskandalo na naman ako katulad nong nakaraan na napaaway pa ako dahil sa pakikipagsiksikan sa canteen para lang maabutan si Lisander sa pila.
Like hindi ko naman sinasadyang matapon ang tray na hawak nang nakabangga ko, who would want to bathe spaghetti right? She just really took it heavily. Napailing nalang ako sa naalala.
"You should really stop skipping classes just because of him." she rolled her eyes at me.
"Can't you stop using 'just' and him in one sentence? May I remind you that it's 'him'? not any just.?" I bumped my shoulders with hers."My goodness Erina, you're getting worst every day" she sighed and I just laughed at her.
When we saw our next subject teacher nearing our classroom ay agad kaming kumaripas ng takbo para maunahan itong makapasok sa classroom.
YOU ARE READING
Mending Heartaches
RomanceWhen you strive hard to have someone difficult to have. Would you settle for someone else instead?