Erina
"Bye kuya, love you" mabilis kong hinalikan ang kanang pisngi niya bago mabilis na lumabas ng kotse.
"Get something to eat!" I heard him shouting and I just glance at him before giving him a thumbs up.Unluckily I woke up very late today so I didn't have any time left getting my breakast.
Iilan na lang ang mga estudyanteng nadadaanan ko, probably most of them ay kagaya ko din na matagal naggising.
Nang marinig ang malakas na tunog ng bell ay mas lalo kung binilisan ang pagtakbo. Ngayon ko lang narealize kung gaano ka hassle mag-aral sa malaking University. Napakalayo kasi ng room namin mula sa gate kaya alam kung mauunahan talaga ako ng teacher na makapasok sa room.
"Shit!" agad akong nabuwal sa pagkakatayo nang bumangga ako sa isang tao pagliko ko sa isang hallway. Sa lakas ng impact ay pabagsak pa akong napaupo sa sahig.
"Oh God" napadaing ako nang binigla ko ang pagtayo bago hinarap ang nakabangga ko.
"Are you okay?" tanong nito. Mula sa pagkakangiwi ay agad kong pinalitan ng ngiti ang reaksyon ko. Standing in front of me is no other than Allisander Lirio Savraos. Looking good as ever, medyo basa pa ang makapal nitong buhok na bahagyang tumatabing sa noo habang mariing nakatitig ang dalawang pares ng itim na mata sa akin.
"Yes, I'm good! You don't have to worry" agad kong pinasadahan ang palda na suot para mawala ang gusot.
"I'm not" he emotionlessly said. Sandali naman akong natigilan dahil sa sinabi niya ngunit agad ko naman itong iwinaksi sa isip, preventing it to ruin my mood.
"Why are you running anyway?" dahil sa tanong niya ay saka pa bumalik sa isip ko kung bakit nga ba ako nagmamadali.
"God! I'm running late na pala" bahagya pang namilog ang mga mata ko nang sabihin ito. Akmang tatakbo na ako ulit nang pigilin niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso.
"Why? I'm sorry but nagmamadali kasi ako"
"Haven't anyone told you about having an event this whole morning?" his forehead creased.
"Event?" naguguluhan kong tanong.
"Mrs. Soriano announced yesterday, all I know is there are new teachers" he shrugged. Tukoy nito sa principal namin."New teachers?" I asked again. Agad namang naging iritado ang mukha nito. Mariin kong naitikom ang bibig.
"Can you quit asking and go to the auditorium instead?" nakakunot ang noong ani nito bago ako nilagpasan.
"Wait, are you also going to the auditorium?" I asked before following him. Nang hindi ito sumagot ay alam kong tama nga ako, kaya agad kong binilisan ang lakad para makasabay sa bawat hakbang niya. God his legs are really too long compared to mine.
Nang makahabol ay agad akong kumapit sa braso niya. Bahagya itong natigilan at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya. Nang matanggal niya ito ay magpapatuloy na sana ito sa paglalakad nang binalik ko agad ang pagkakakapit sa braso niya. Nang tumigil ito at lumingon sa akin ay agad ko siyang nginitian ng matamis.
Napabuntung-hininga na lamang ito at hindi na tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa ganoong posisyon.
He never talk to me again after that and we silently walk side by side towards the auditorium. Hindi katulad kanina na halos isumpa ko na ang lawak ng University namin, ngunit ngayon ay mukhang kailangan ko namang ipagpasalamat ang bagay na 'yon dahil mas matagal kaming makakarating sa auditorium. Meaning the longer I can hold unto him like this.
Kuntento na ako kahit hindi siya nagsasalita. At least I'm this close to him, which is no one can literally do because he tend to make this 'back off' aura around him, mostly towards girls like me.
YOU ARE READING
Mending Heartaches
RomanceWhen you strive hard to have someone difficult to have. Would you settle for someone else instead?