Chapter 3

1 1 0
                                    

Erina

Napatigil ang ingay ng lahat ng estudyante sa loob ng auditorium nang may magsalita mula sa stage sa harap. Nakatayo doon si Mrs. Soriano ang principal ng University.

"Dear students of Lorhton University, most of you knew what's this is all about, except those who really doesn't listen to every class announcements" Mrs. Soriano roamed her eyes around the auditorium. Napayuko naman ako dahil isa ako sa mga hindi nakakaalam kung anong mangyayari today.

"This event's purpose is to welcome two new teachers of the University joining us from now on. And of course to also welcome our school owner's heir and heiress." Mrs. Soriano announced earning gasps from most students inside the auditorium.

Kahit ako ay nagulat. Sa mag aapat na taon ko dito ay kahit kailan hindi ko pa nakikita ang mga anak ng may-ari ng school. Even their father doesn't often visit the school's premises pero hindi ibig sabihin ay wala na kaming alam tungkol sa kambal na Herrera. They're private kind of people pero ano bang maitatago sa mga tsismosang estudyante ng Lhorton University.

Sabi nila ay kaedaran ko lang daw ang kambal and maybe totoo nga.

"May we call on stage Mr. Delantar and Ms. Santiago to kindly introduce their selves." Mrs. Soriano said before stepping back away from the mic to shake hands with the said teachers.

Umakyat sa taas ng stage ang dalawang guro. Ang lalaki ay strikto ang mukha habang ang babae naman ay may marahang ngiti na nakapaskil sa labi.

"Hello everyone, I'm Raymund Delantar" maikli na pakilala nito. He seems like on his late thirties nagtataka man ay pumalakpak pa din ang mga estudyante. Sumunod namang lumapit sa mic ay ang babaeng guro.

"Hi students of Lhorton University, I'm Ms. Sunshine Santiago. And I hope I can teach you well. By the way I'll handle those on grade ten. Thank you" kabaliktaran sa naunang guro ay puro ngiti si Ms. Santiago and maybe still on her early thirties.

"So like what Ms. Santiago said, both of them will handle Grade Ten students. But maybe they will also handle some subjects in Grade eleven so those in Grade Ten and Eleven, I hope you act your age and stop tainting the school's reputation okay? Thank you" tumango tango pa si Mrs. Soriano habang nang-uuyam ang tingin na nakatingin sa banda ng mga kaklase ko na nakakumpol sa bahaging gilid na mga upuan.

Natatawang nagtulakan naman ang mga kaklase ko. Mabuti at hindi ako naupo kasama nila.

"Mabuti nalang at hindi tayo umupo doon" natatawang siniko ako ni Anne na agad ko namang sinang-ayonan.

"Now let me formally introduce to you the Herrera twins. May we also call you up here please" sabi ni Mrs. Soriano habang nakatingin sa isang banda.

Rinig ko ang singhap ng karamihan sa mga estudyante nang nagsimulang umakyat sa stage ang isang maliit na babae habang nakasunod naman dito ang isang matangkad na lalaki. Una mong mapapansin sa dalawa ang parehas na kulay ng mga mata nito. They both have this beautiful hazel eyes.

Parehas na itim ang mga buhok ng mga ito. The girl have this fair skin and smiling face. She's wearing jeans and oversized pink hoodie. Honestly I didn't expect the Herrera's princess to have this kind of wardrobes.

"Hi everyone, I'm Sorayah Herrera and I really hope we get along." Nang ngumiti ay mas lalong naging halata ang ganda nito. Alam kong karamihan ng mga lalaki na narito ay sobrang namangha sa ganda nito.

Even I can't deny how beautiful she is despite her choice of clothes. Wala sa sarili akong napalingon sa kinatatayuan ni Lisander kanina. To my dismay, katulad ng karamihan ay nakatitig ito sa babaeng nagsasalita sa harap. Bahagya pang nakaawang ang labi nito na tila manghang- mangha sa tinitignan.

Mending HeartachesWhere stories live. Discover now