"Kuya tingin mo ba maraming tao sa loob?" mahinang bulong ko kay Kuya Adrian habang papalapit na kami sa gate ng bahay ng mga Savraos. Rinig na mula sa labas ang marahang musika at pagsasalita ng kung sino mula sa loob.
Si Kuya Adrian ang kasama ko dahil maayos na din naman daw ang pakiramdam nito.
"As far as I knew a lot of people from their company were invited including there business partners" sagot ni Kuya bago inilahad ang braso nito na agad ko namang tinanggap.
Sabay kaming naglakad papasok, ilang mga tao agad ang napatingin sa gawi namin ni Kuya nang makapasok na kami ng tuluyan. Tingin ko ay lahat naman talaga napapatingin pag may bagong dating.
Hindi naman pala masiyadong marami ang mga tao sa loob. The house's garden was decorated beautifully. Round tables were scattered everywhere inside the garden. There were buffet tables on both sides of the garden. Tita Angelica and Tito Alejandro were now in front of the fully set upped stage. Sa tingin ko ay kanina pa nagsidatingan ang karamihan at late lang talaga kaming nakarating.
Habang abala ang lahat ay halos tumingkayad na ako para lang mahanap ang nag-iisang tao na nais kong makita sa dagat ng mga matataas na tao sa paligid ko.
"Hey baka makabangga ka" I felt how Kuya Adrian pulled me softly to his side.
"Sino bang hinahanap mo?" nagtataka nitong inilibot din ang paningin sa paligid na inilingan ko lang at itinigil na muna ang ginagawang paglinga sa paligid.
Naglakad kami palapit sa gawi nila Tita Angelica na agad namang napangiti nang makita kaming papalapit. Bagamat nakaupo pa din sa wheelchair ay sobrang ganda pa din nitong tingnan sa kulay asul at puting dress na suot.
Kumalas ako ng hawak kay Kuya at masuyong yumuko para halikan ang pisngi ni Tita Angelica.
"Good evening tita" nakangiti kong bati dito.
"Good evening hija, I'm glad that you and your brother came" masuyo itong ngumit bago marahang hinaplos ang pisngi ko.
"Our little Carina" masuyo nitong sambit sa pangalan ng mommy ko habang nakatitig pa din sa akin.
Nang bitiwan na nito ang pisngi ko ay agad na din akong lumipat ng pagbati kay tito Alejandro at humalik din sa pisngi nito.
"Good evening po Tito" bati ko dito.
"Magandang gabi din hija, mabuti at nakarating kayo" sabi nito bilang pagbati na din.
"I'll just go with Tito Alejandro for a while little sis, this is a good timing to meet a lot of investors" Kuya whispered at me after a while.
Sisitahin ko sana ito nang maging si Tito Alejandro ay nagpaalam na din kay Tita.
"Won't you mind accompanying my wife for awhile hija?" baling nito sa akin na agad ko namang tinanguan.
"Of course not tito" agad na sagot ko dito. Agad naman itong umusal ng pasasalamat bago yumukod at pinatakan ng halik ang sentido ng asawa at may ilang ibinulong pa dito bago sila sabay na umalis ni Kuya at nakihalo na sa mga tao.
"Mabuti naman at mukhang gusto din ng kapatid mo ang pamamahala sa kompanya niyo hija" naagaw ni tita ang atensiyon ko mula sa paglinga na naman sa paligid. Kasalukuyang nakaupo na ako sa isang upuan katabi nito.
"Oo nga po tita, at least now I felt less pressured about handling the company." noon kasi ay hindi gusto ni kuya ang pamamahala sa kompanya. He wanted to be a doctor but he gave up his dreams and took business related course to train himself on handling the company.
"That's why I'm getting worried with Lisander, he was the only heir we have and I know it will be a huge burden for him in the near future." she heaved a sigh and clasped her hands.
YOU ARE READING
Mending Heartaches
RomanceWhen you strive hard to have someone difficult to have. Would you settle for someone else instead?