1ST NOVEMBER OF 1989: Anthem of the Hearts

4 1 0
                                    

1ST NOVEMBER OF 1989: ANTHEM OF THE HEARTS

Palubog na ang araw nang magpaalam na ako kina Melisa at Catherine na uuwi na, masyado akong nalulon sa pag-uusap habang tumutulong kay Melisa sa kaniyang trabaho, hindi lang 'yon dahil nag-bake pa kaming tatlo ng mga kung ano-anong pastries at tumulong na rin sa mommy ni Melisa dahil sa dagsaan ng customer ang kanilang lugar tuwing hapon.

Pakiramdam ko ay tila nag-O.J.T. ako as a waitress, aliw na aliw naman ako sa pagserba sa mga customer at paminsan-minsang pakikipagpalitan kay Catherine sa pansamantalang pagca-cashier.

Naka-17 na dolyar din akong tip at ayaw ko naman sana 'yong ibulsa at idagdag nalang kako sa pondo ng café kaso tinanggihan naman ako ng tatlo.

Sa basket ng sinasakyan kong bisikleta ay may isang kahon doon ng cupcakes na libreng ibinigay sa'kin ng mommy ni Melisa nang paalis na sana ako sa Baked Bar, pasasalamat daw niya sa'kin sa pagtulong at pasalubong din daw kay Jennifer.

"Just in time!"

Nagulantang ako nang pagpasok ko ng bahay ay biglang lumitaw si Jennifer mula sa salas, bihis na bihis ito't mukhang kanina pa ako inaabangan.

"Why? What's happening?"

Iwinagayway naman niya ang tatlong ticket sa kamay na ngayon ko lang napansin. "Go get change, I've got tickets for us to see 'Halloween 5'!"

Walang emosyon akong tumango at lumapit sa kaniya para i-abot ang dala kong kahon. "Cupcakes from Baked Bar."

"Aww! You didn't have to." Jennifer humbly and blissfully accepted the box.

"Hm-m." Nilampasan ko na siya at nang daanan ko ang entrada ng salas ay nasilayan ko roon si Michael na prenteng nakaupo sa sofa.

Mapanglaw ang mga mata niyang nakatitig sa'min at sa mabilis at sandaling kaganapang 'yon ay nagsalubong ang aming mga mata at nakipagtagisan sa isa't-isa.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang malampasan ko na ang entrada at umakyat na sa itaas. Mabilisan akong naligo at nagpalit ng itim na bestida na ang haba'y umaabot hanggang ibabang tuhod ko, tinernuhan ko rin iyon ng puting sneakers at puti ring denim jacket.

Ang kulot-kulot kong buhok ay inipitan ko nalang sa magkabilaan ng itim na hairclip.

Habang nasa biyahe papuntang AMC Broadway 4 sa Santa Monica City ay wala akong kibo, hindi naman na awkward dahil panay naman ang salita ni Jennifer kay Michael tungkol sa mga kung ano-anong bagay na sila-sila lang ring matatanda ang nakakaintindi.

"3 popcorns and 3 sodas too please—"

"N– no, I'm full. Count me out." I interjected when Jennifer began ordering snacks here at the Snack Bar of the movie theater.

Inakbayan naman ako ni Jennifer at nanunuring tinignan. "Sure?"

"I had a lot of doughnuts from the Baked Bar with my classmates." Dahilan ko.

"Okay, just 2 medium popcorn and sodas please." Baling ni Jennifer sa cashier bago kami iniwan nito pansamantala para asikasuhin ang mga in-order ni Jennifer. Palakad-lakad at ikot-ikot nalang muna ako habang nag-aantay. Kaming dalawa lang naman ang narito at si Michael ay wala akong pakialam kung nasaang lupalop siya ng movie theater nananatili.

"Hey, I ordered 2 mediums of popcorn and soda." Malambing na bulong ni Jennifer nang mula sa kabilang gawi niya'y sumulpot doon si Michael.

"Excuse me, coming through!"

Napalingon ako nang may palapit sa'kin na isang babaeng staff na may buhat-buhat na malaking kahon, nakaharang pala kasi ako sa entrada ng Snack Bar kaya agarang napaalis tuloy ako sa kinatatayuan.

Famous Last WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon