1ST-12TH NOVEMBER OF 1989: Daddy Issues

4 1 0
                                    

1ST-12TH NOVEMBER OF 1989: DADDY ISSUES

Buong biyahe hanggang sa makauwi ng bahay ay walang tigil sa pagkuwestiyon si Jennifer ukol sa social peers ko, natutuwa naman ang buntis kaya napipilitan akong magkuwento nang mahaba at detalyado. Si Michael naman ay walang kibong nagmamaneho. Hanggang sa makauwi ng bahay ay hindi pa rin natapos ang pag-uusap namin ni Jennifer, wala na nga sa'kin ang pokus ng kuwento at nasa kaniyang nakaraan na sa panahong high school palang siya.

Nakahiga na ako sa kama, akap-akap si August, at nakapantulog na, si Jennifer ay nasa tabihan ko't nagkukuwento pa rin ng kaniyang talambuhay, pinagalitan na nga siya ni Michael dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng mga suot. Ilang saglit ay iniwanan na nga niya ako, ngunit patulog na ako nang bigla namang bumukas ang pintuan.

A nerve-wracking feeling speared my soul, anticipating that it was Michael. However, it was Jennifer, being bubbly and nosy in the dead of night while carrying a jar of Skippy peanut butter.

Nahiga siya sa tabihan ko at nagtatalak na naman tungkol sa kaniyang talambuhay, kaso dulot ng naipong pagod at namuong antok ay ilang sandali lang ng pagsasalaysay ni Jennifer ay nakatulog na ako.

Nang maalimpungatan ako ay madilim pa ang kalangitan sa likuran ng mga blinds sa bintana ng kuwarto ko, natagpuan ko nalang din ang sarili kong nakabaluktot sa tabihan ni Jennifer na nakatihaya at humihilik.

I am still sleepy and I have no idea what's running in my mind, but something urges me to gaze at Jennifer's innocent and enticing face.

She deserved the whole world like I wish I'd too.

I shortly caressed her soft hair and before I could wake her senses up, I carefully returned myself back to bed. Dinampot ko pa si August sa ibaba ng kama nang makitang nahulog ko na naman siya sa pagtulog ko. Yakap-yakap si August nang sumiksik ako sa katawan ni Jennifer at bumaluktot nang higa saka natulog ulit.

Nang magising ako sa ikalawang beses na ay pasikat palang ang araw. Time went by and I'm at school, studying and trying to have the time of my life along with the friends I've made. Days fly by and everything's quite turning to something extraordinary. Marami-rami na rin akong mga natutunan at nararanasang bagay-bagay na kailanman ay hindi ko naranasan.

Madalang nalang din ako umuwi ng bahay dahil sa mga magkahalong sleepover at rehearsal naming apat nina Violet, Sadie, at Stanley. Kaliwa't kanan din ang slumber parties namin nina Beverly, Ramona, at Melisa. Unti-unti na rin akong nalalapit kina Phoebe at sa kaniyang mga best friends, abala nga lang sila palagi dahil sa mga rehearsal din nila ng VHS Gondoliers sa pag-cheerdance. Gayundin sina Wyatt at ng kaniyang brotherhood, pansamantala pa nga kaming magkatunggali sa mabuting paraan dahil kasali rin sila sa nalalapit na talent show.

And as for Arwen... Sa loob ng classroom lang kami nagkakahalubilo, nagkakahiyaan pa nga minsan at kahit na magkatabi lang kami'y mistulang may pader sa pagitan naming dalawa. Madalas pa siyang pinu-pull out ng kaniyang mga co-officers sa student council at kapag uwian naman ay parang bula nalang siyang biglang maglalaho, hatid-sundo kasi siya ng kaniyang driver o kaya naman ay ang tatay niya na presidente pala sa P.T.A.

November 11. Nakalipas na rin ang birthday ni mommy, ako lang naman parati ang mag-isang nagdiriwang, kagaya ng nakagawian ay pagkagaling sa school ay bumili ako no'n ng isang maliit na cake sa Baked Bar at takeouts galing naman sa isang restaurant saka nagpunta sa sementeryo.

Veteran's Day, holiday ngayong araw at sabado. Pasado alas-onse na at nililibang ko ang sarili ko sa paggawa ng project sa school nang maya-maya'y may kumatok-katok sa pintuan.

"January, baby. Some of your friends are here." It was Jennifer.

Nahinto ako sa paggugupit ng mga kinakailangan kong papel. "What?!"

Famous Last WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon