24TH NOVEMBER OF 1989: A True, True Family

5 1 0
                                    

24TH NOVEMBER OF 1989: A TRUE, TRUE FAMILY

♪Cherry bomb!♪

I sang the last part of our chosen song with power and crescendo. Napabitaw pa ako sa hawak-hawak kong microphone sa stand upang makakuha ng buwelo sa pagbirit.

Kasabay ng pagwakas ng birit ko ay ang pagtugtog ng mga instrumento nina Stanley, Violet, at Sadie. Narito kaming apat ngayon sa garahe ng bahay ni Stanley.

"Make it more intense, Janua." Puna ni Sadie. "More power, sing it like you mean it, sing it like you're gonna give hell to somebody with no remorse."

"Got it." Nag-okay gesture pa ako.

"Again." Sabi ni Sadie sa harapan ng kaniyang microphone at mabilis na nag-unat-unat ng mga daliri sa mga kamay.

Huling rehearsal na namin 'to dahil mamayang hapon na igaganap ang talent show sa school at ilang oras nalang ang natitira dahil aayusan pa namin ang mga sarili bago umalis.

Wala naman nang masyadong problema sa'min maliban lang sa boses ko na minsa'y hindi marunong makisama. Sa mga rehearsals na nagdaan ay halos lahat ay nakatuon sa vocals ko dahil doon kami medyo tumatagilid dahil hindi naman ako sanay sa pag-awit.

Subalit sa kabila n'on ay naiintindihan ko rin naman kung bakit nila ako sinali rito. Dalawang positibong dahilan at iyon ay ang mabigyan ako ng kalayaan mula kay Michael at bigyan din ng mga kulay ang walang kalutay-lutay kong buhay.

"Alright. 1, 2, 3!" Stanley then strikes his drumsticks on the beat and after the cue, the instrumental intro comes in with no delay.

Ilang oras pa kaming nag-rehearse, pagkatapos mananghalian pagdating ng tanghali ay nag-rehearsed pa kami ulit ng ilang beses bago naghanda na sa pag-alis.

Habang inaasikaso ni Violet ang mga gitarang gagamitin, si Sadie na pansamantalang umuwi na muna sa kanilang bahay sa tabi, at si Stanley na inaasikaso naman ang sasakyang van mamaya, ako nama'y naligo na at sa guest room na nagbihis.

Sinuot ko ang mga damit na pinamili namin kahapon ni Sadie sa mall, kaming dalawa lang dahil si Violet ay kinailangan ng kaniyang mga magulang sa kanilang tindahan at si Stanley nama'y kinailangan ng kaniyang tatay dito sa bahay nila.

Suot ang pink silk corset lingerie na may mga black lace pang kaakibat saka fitted na black ripped denim shorts ay pinagmasdan ko ang sarili sa harapan ng life-size mirror. Naka-fishnet and lace stockings din ako na may mga straps pa atsaka black and brown open toe chunky high heels na pumapalo ng limang pulgada ang taas.

Suot ko na rin ang shoulder length at wavy blonde wig na nagpakumpleto sa porma ko ngayon, dapat nga sana'y wala ng wig kaso ipinagpilitan ko at sariling gastos naman dahil gusto kong i-enact si Cherie Currie na siyang mismong lead singer ng bandang kumanta ng kantang ipe-perform namin mamaya kaya lahat ng suot ko ngayon ay ini-reference ko sa kaniyang isa sa mga naging iconic outfit.

Si Stanley nama'y balak niyang i-reference mamaya ang porma niya kay Sandy West. Habang sina Violet at Sadie naman ay sina Joan Jett at Jackie Fox.

Sa ngayon ay makeup nalang ang kailangan ko kaya kinuha ko na ang ipinahiram na makeup kit ni Violet para sana simulan na kaso ang magazine sana kung nasaan ang larawan ni Cherie Currie na paggagayahan ko ay hindi ko mahanap sa kung saang lupalop at kasulok-sulukan ng kuwarto.

Bumaba tuloy ako at nagpunta ng salas, baka sakaling naroroon kaso wala. Sa garahe tuloy ang sunod kong tinunton at naroon nga ang pakay ko. Papasok naman na sana ako pabalik sa loob ng bahay nang may higanteng lalaki ang biglang bumulaga sa'kin.

"Stan!" Tili ko nang mapagtanto kung sino 'yon.

Na-estatwa naman siya nang makita ako.

"Hey..." Tulirong anito. "You look... Amazing."

Famous Last WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon