25TH MARCH OF 1990: Cheers to our Senior Year!

5 1 0
                                    

25TH MARCH OF 1990: CHEERS TO OUR SENIOR YEAR!

"Stunningly beautiful!" Puna ng nanay ni Jennifer sa'kin na si Jutta Knapp nang matapos talian ng white ribbon ang ginawang fishtail braid sa kalahating inituwid kong buhok dito sa harapan ng dressing table rito sa'king kuwarto.

Senior Prom ng Venice High School ngayong gabi at kahit na ayaw kong dumalo mamayang alas-siyete ay hindi ko din namang gugustuhing i-abandona ang lalaking nagyaya sa'kin na maging kapareha niya mamaya sa pagsundo niya sa'kin.

"Thank you so much, grandmom." Ikinagagalak ko namang pasasalamat habang pinagmamasdan ang repleksyon ko, bukod sa buhok kong matiyagang ginawang tuwid ni mrs. Knapp ay binigyan niya rin ng kaunting kolorete ang mukha ko na umakma naman sa suot kong pink criss cross off shoulder dress at white pointed doll shoes na iniregalo sa'kin ng aking lolo na si Roland Knapp.

Samantalang ang mga sinuot ko namang alahas ay ang mga pearls ng mommy November ko ang aking pinili, imbes na ang mga mamahaling gintong alahas ni mrs. Knapp na inihain niya sa'kin kanina. Todo asikaso ang mag-asawa sa'min ni Jennifer simula nang madala kami sa ospital dahil sa kamuntikan nang puksain ni Michael ang aming mga buhay, nakakapanibago lang din dahil hindi naman talaga sila ganito noong una ko silang nakilala.

They were the opposite, completely rotten to the core. To the point that they can easily abandon their own young daughter after discovering she got pregnant by an inferior man loaded with dirty deeds and then despises her for being worthless and incapable of reaching their standards.

Kaya si Jennifer ay tila naghahalusinasyon kung makatingin sa mga magulang niya sa araw-araw na pag-asikaso sa'ming dalawa lalo na sa kaniya, pansamantala na rin muna silang tumigil sa pagtrabaho at tumira rito sa'ming bahay.

"Don't mention it, now let's take photos." Mrs. Knapp planted a kiss on top of my head before calling out his husband downstairs with Jennifer. "Sweetie! Picture time!"

Nagniningning ang mga mata ni mr. Knapp nang makapasok siya sa kuwarto at makita ako. "So gorgeous!" Itinutok na niya kapagkuwan sa'kin ang camerang nakasukbit sa kaniyang leeg. "Give me your biggest smile, sweetheart."

Naka-ilang solo shots ako bago ako sinamahan ni mrs. Knapp sa pagkuha sa'kin ng mga litrato.

"Let's take a look!" Sabi ni mrs. Knapp bago nilapitan ang asawa at tinignan ang mga kinuhang litrato sa camera. "Ah, perfection! That's some good shots, the lighting is good, so flawless. Come here and look at these, January. I'll get it framed tomorrow."

Tumayo na ako at saglit na pinagmasdan ang kabuoan ng sariling repleksyon. Hindi pa naman gaanon kahalata.

Imbes na sa mag-asawa ako pumunta ay nagpaalam na akong bababa na. "I'll look tomorrow, I'll be downstairs."

Lumabas na nga ako ng kuwarto at bumaba na, sa salas ako nagpunta kung saan ko nakita si Jennifer na nakaupo sa isang sofa at balisa habang nakikinig ng kanta sa katabing radyo. Nalulungkot at naaawa ako sa tuwing nakikita siyang ganito, kalunos-lunos na ang kaniyang sinapit nang mamatay ang dinadala niyang bata at naaapektuhanq rin ako dahil sa ikalawang pagkakataon ay nawalan na naman ako ng kapatid.

"Mom..." Kuha ko sa kaniyang atensyon habang ako'y nakatayo rito sa pintuan. Nanatili lang siyang balisa sa kawalan na tila ba'y walang narinig.

"Mom?" Tawag ko't lumapit na sa kaniya, hindi pa niya sana ako lilingunin kung hindi ko pa siya magaang hinawakan sa kaniyang balikat dahilan para magising ang diwa niya.

"Wow," Jennifer weakly rakes her eyes on me and smiles at me with pure tenderness and joy. "You look so pretty."

"Thanks, you too." Naupo ako sa kaniyang tabihan saka hinawi ang isa niyang braso para ako'y makayapos sa kaniyang katawan at sumandig doon. Jennifer is speechless as she stares at me in awe, so I grabbed the opportunity to say a couple words that might make her better.

Famous Last WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon