Chapter 8

35 6 2
                                    

Chapter 8

"So, how was it?" Tanong agad ni Chie pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kotse.

Hindi ako sumagot at pinatili ko ang pananahimik.

"Huy, kamusta? Ano napag-usapan niyo?" Pangungulit ni Kaori. "Nasapak mo ba? Malakas ba? Namaga ba panga niya---"

"I'm not in the mood. Umuwi na tayo." malamig na saad ko kaya natahimik sila.

Ramdam ko na nagkatinginan sila bago pinaandar ni Chie ang sasakyan. Hanggang sa daan pauwi sa amin ay tahimik kami. Inuna naming ihatid si Rhane dahil mas malapit siya sunod ay si Kaori.

"Good night, sis!" Saka siya humalik sa pisngi namin ni Chie at bumaba.

Tumango na lang ako sa kaniya atsaka nag wave. Pero hindi ako ngumiti at saglit lang siyang sinulyapan bago siya pumasok ng bahay nila.

Habang nasa daan kami pauwi ay binasag ni Chie ang katahimikan.

"Kapag ikaw hindi nagsalita, ako sasapak sayo." pananakot niya pero hindi pa din ako kumikibo.

"Hoy! Uso magsalita! Baka gusto mo akong kausapin?"

"Wala ako sa mood, Chie."

"Ano ba nangyari?" Tanong pa din niya.

"Please, Chie. Bukas ko na lang kwe-kwento." pakiusap ko saka ako pumikit.

Napaka walang sense mo kausap Amiel. Ang hirap mo intindihin dahil hindi mo sa akin ipinapaintindi. Gusto mo layuan kita pero ayaw mo naman sabihin ang rason mo.

Hanggang ngayon ay naiinis ako dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit bawal ako mahalin? Sino nagsabi? Naka-kagago 'di ba? Bwiset. Hindi ko daw mai-intindihan at mas lalo ko lang daw siya pina-pahirapan? Eh gago ba siya? Paano ko mai-intindihan kung hindi niya ipa-paliwanag sa'kin? At ano pinapahirapan ko daw siya? Anong tingin niya sa relasyon namin, tuwang-tuwa ako? Tangina.

Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan na nakauwi na pala kami at nandito na kami sa tapat ng bahay namin ni Amiel. Mabilis akong bumaba saka nagpaalam kay Chie.

"Ingat, Chie. Kwento ko na lang bukas." saad ko

Tumango siya bago ngumiti. "Pahinga ka na, sis. Mukang pagod ka. Saka mo na i-kwento kapag ayos ka na. Mukhang wala ka sa hulog ngayon e." sagot niya na sinagot ko lang ng isang tango.

Umatras ako para makapaandar na niya ang sasakyan. Hanggang hindi siya nawawala sa paningin ko ay hindi ako pumasok. Nang hindi na siya abot ng tanaw ko ay pumasok na ako sa loob.

Bukas ang mga ilaw pag pasok ko pa lang sa gate.

Andito si Jax? Bakit siya umuwi?

Teka nga. Diba dapat masaya ako na umuwi siya? Tsk.

Mabilis akong naglakad papasok ng bahay namin.

"Jax?" Tawag ko sa pangalan niya. "Muchamiel!?---"

"Oh iha, gabi na ah. Bakit ngayon ka lang?" Biglang salubong sa akin ni Ate Astrie.

"A-ate Astrie, bakit po kayo nandito?" Tanong ko sa kaniya dahil hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya.

"Ah, naglaba lang ako ng damit niyo. Paalis na rin sana ako kaso wala pang tao dito kaya hinintay ko na lang kayo." paliwanag niya. "Teka, asan asawa mo? Hindi kayo magkasama?"

Bigla ay hindi ko na naman alam ang sasabihin. Kung sasabihin ko na nasa opisina pa sa ganitong oras ay magtataka na panigurado si Ate Astrie.

"H-hindi ko din po alam e, sige. Pahinga na po ako." Paalis na sana ako ng hawan niya ang kamay ko.

Maybe, Not At All (On-going)Where stories live. Discover now