Chapter 4

35 9 0
                                    

Chapter 4

"Ok, good. By the way, inform the whole company about what i just said. Ayaw ko na may lalabas tungkol sa nangyari last week sa company. I don't want to hear any rumors when i get back understood?" Saad ko sa sekretarya ko na kausap ko sa kabilang linya.

"About po doon ma'am. Nasabi na po yan ni Sir Valencia, after po niya kayong idala sa hospital." inporma ni Yael.

Really? He did that? Well, gagawin naman niya talag yun dahil ayaw niya marumihan ang pangalan niya.

"And nakakulong na daw po yung sekretar---" saad ni Yael, na pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"I don't care if she's in jail or in hell. Huwag na huwag mo na siya babanggitin kahit kailan sa akin. Understood?" saad ko.

"Y-yes, ma'am."

"Ok, good. I'll end the call na. Take care." then i ended the call.

Kakatapos ko lang maligo pero nang-init na naman ang ulo ko dahil naalala ko ang haliparot na sekretarya ng asawa ko.

That bitch!

'Wag na wag siyang magpapakita sa akin dahil ibabalik ko sa kaniya ang bubog na sinaksak niya sa akin. Sa lalamunan ko ibabaon para end of discussion agad.

"O-ouch." inda ko ng hindi ko napapansin na nadidiinan ko na ang paglilinis ng sugat ko.

I need to change the band aid and put some ointment para walang maiwang peklat. After i put my clothes on, bumaba na ako para mag umagahan.

If you're asking where my husband, wala na siya when i woke up. Lagi naman. Wala ng bago.

But i had a goodnight sleep because he's with me last night. Mas magiging maganda sana ang araw ko kung magigising akong katabi ko pa siya.

Dumeretso ako sa kusina at doon ko nakita ang mga kasama ko sa bahay maliban sa asawa ko.

"Good morning Ate Abby at Ate Astrie." bati ko sa kanilang dalawa and gave them a hug.

"Good morning, Astraea." bati nila sa akin and hug me too.

"Good morning, Manang Rucilyn." then i gave her a peck in her cheeks.

"Good morning, Astraea. Kain na ikaw, alam ko nagugutum ka na." Pag-aaya niya sa akin.

"Sige po. Sabay-sabay na tayo." saad ko.

Silang tatlo na ang kasama ko simula pagkabata ko. Hindi na sila halos umuuwi ng probinsya nila dahil sa pag-aalaga sa akin noon. Maliban kila Mom, Dad at sa mga kuya ko, itinuturing ko na silang parte ng pamilya namin. Kakilala din kasi sila ni Lolo mula sa probinsiya na pinagmulan niya.

"Anong oras po umalis si Amiel?" Tanong ko sa kanila habang nakain kami.

"Maaga e. Kakagising ko nga lang nun nang may narinig akong kotse na paaalis. Mga bandang alas singko ng umaga siya umalis." Sagot ni Ate Astrie.

"Hindi na nga siya kumain e." Dagdag pa ni Ate Abby.

Napayuko naman ako at napatitig na lang sa pagkain sa harap ko.

"Astraea, nag-away ba kayo ng asawa mo?" Biglang tanong ni Manang Rucilyn  kaya napatingin ako sa kaniya.

Hindi alam ni Manang ang nangyayari sa aming dalawa ng asawa ko. Pati ang pambababae niya ay walang nakakaalam sa bahay na 'to maliban sa akin. Dahil kung alam nila ay baka matagal na nila na isinumbong kay Daddy.

"H-hindi po, Manang. B-busy lang po sa kumpanya 'yun ngayon." pagsisinungaling ko.

'Yun naman ang alam nila Manang at nila Dad na workaholic si Amiel kaya halos walang oras sa bahay at lagi na lang nasa opisina or nasa labas ng bansa para sa mga business niya. 'Yun lang din kasi ang madalas ko na idahilan kapag napapansin nila na laging wala si Amiel sa bahay.

Maybe, Not At All (On-going)Where stories live. Discover now