Chapter 16

11 2 0
                                    


"And so? Dahil nagusap lang kayo hindi ka na pumunta? That's bullshit!"

"Wait kasi! Sabi ko nga we had a comversation---"

"Nasabi mo na nga! Oh ano ngayon kung nagkausap kayo na 'parang-normal-na-mag-asawa'?!" Tanong niya habang gamit ang nakakainsulto na tono.

"Hindi mo kasi ma gets eh!" Inis na sagot ko.

"Linawin mo kasi, punyeta ka! Babatukan kita!"

Napairap naman ako. Kahit kailan brutal talaga. Huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Kasi nga nag-usap kami diba? Na parang noormal na mag-asawa---"

"Kingina, paulit-ulit." rinig ko na bulong niya.

"Oo na paulit-ulit! Punyeta ka! Isa pang side comment hindi ko na itutuloy!"

"Tsk! Diretsuhin mo na kasi! Naiiyamot pa din ako sayo hanggang ngayon!" Sigaw niya at ramdam ko naman ang inis niya.

"Tumahimik ka kasi!" Sigaw ko pabalik. Nanahimik naman siya. "As I said, normal na mag-asawa. Hindi mo ba ma gets yung sinabi ko? Never kaming nag-usap na parang normal na mag-asawa at alam mo 'yan. Everytime na nag-uusap kami nauuwi sa sigawan at iyakan. At ikaw ang isa sa mga testigo nun. But last night and a while ago, it was different." Kwento ko.

"How different?"

"Kagabi... I feel loved? Hehehe. Nanunuod kami that time tapos dahil pagod siya at may jetlag pa, he sleeps in my lap." kwento ko na hindi ko maiwasan ang kilig kapag naalala ko ang nangyari kagabi.

"Kinginang feel loved yan! Akala ko naman pinasok ka ng paulit-ulit kaya nakatulog ka sa sobrang pagod! Tapos malalaman ko na natulog lang sa hita mo! What the fuck?!" Reklamo niya pero hindi ako nag react dahil kinikilig pa din ako. "So, nakatulog lang sa hita mo hindi mo na kami natawagan? Hindi mo na kami na inform na hindi ka makakapunta dahil ang lintek mong asawa ay natulog sa hita mo? Asan ang logic dun?!"

"Tsk. That's why I'm sorry. Sorry na Rhane. Sobrang saya ko lang kagabi that I forgot about our plan." Hingi ko ng pasensiya.

I feel guilty dahil sa hindi ko pag-sipot sa kanila. But I feel happy also dahil kung sinipot ko sila kagabi hindi ko siguro mararanasan ang mga naranasan ko kagabi.

"Ano pa nga ba? Minsan mo lang maexperience na gawing unan ang hita mo." sarkastiko sagot niya kaya napasimangot ako.

"Ang sama mo." nakasimangot ko na sagot kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Whatever. Kausapin mo yung dalawa dahil kagabi ay inis na inis na din sila. Lalo na si Kaori. Nasayang lang yung niluto nila ng mommy nya. Pati yung binake ni Chie." Sabi niya.

"Ah yeah. I'll call them right away. " sagot ko.

"Tawagan mo na ngayon, dahil sigurado na nagtatampo yun sila." sabi niya.

"May tinatapos pa akong report e. Mamaya na lang sa break time ko. Nagkaroon lang ako ng time kausapin ka dahil pini print ko yung ginawa ko last week." Sagot ko.

"Whateva! Good bye na dahil marami din akong aayusin. Later!" Paalam niya

"Ok. Bye!" Paalam ko din saka pinatay ang tawag.

At katulad nga ng sinabi ko kay Chie. Tinawagan ko ang dalawa at nag explain. Tama nga si Rhane dahil inis na inis si Chie sa pang e-exchos daw na ginawa ko sa kanila. But after I explained everything to them, naintindihan naman daw nila lalo na si Kaori at nag-usap-usap kami na magkita after work dahil dapat ko daw sila ilibre ayon kay Kaori.

Well, kailangan nga naman namin mag celebrate. What happened last night and in the kitchen this morning needed a celebration.

                       ⠀҂҂⠀๑⠀، 🌷୭

HI EVERYONE! SORRY NA GHOST KO KAYO HUHUHUHUHU SOBRANG NA BUSY AT NAKALIMUTAN KO PASSWORD ABOUT SA WATTPAD ACCOUNT KO. THANK YOU SO MUCH SA PAGHIHINTAY (IF MERON PA) ALSO, THANK YOU EVERYONE FOR YOUR UNDERSTANDING REGARDING ABOUT SA STORY KO. IF YOU HAVE ANY REQUEST OR CONCERN, PLEASE MESSAGE ME HERE SA WATTPAD ACC KO.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maybe, Not At All (On-going)Where stories live. Discover now