Chapter 9

36 6 0
                                    

Chapter 9

"Korni ka din naman kay Yvette ah, sinigaw ko ba?" Saad ni Laurenth sa pinsan saka inirapan ito. "Tabi ka nga! Uupo ako sa tabi ng future ko!" Saka niya kunwaring itinulak si Amiel saka umupo sa tabi ko.

Mabilis naman akong umisod saka inayos ang buhok ko.

"Ang kapal ng mukha! Hindi man lang tinanong kung pwede umupo, tarantado!" saad ni Tyrone.

Napapahiya naman na tumingin sa akin si Laurerth. "A-ayos lang ba?" Tanong niya kaya napatawa ako.

"Oo naman, ahahaha. Have a sit guys." aya ko pa sa tatlo niyang kasama saka pasimpleng tinignan si Amiel na pinag-hila pa ng upuan si Yvette.

Bigla ay nakaramdam na naman ako ng selos at inggit. Sana kasi ay kasing edad ko na lang siya para classmate kami. Matagal ng may chismis kay Yvette at Amiel pero hindi nila sinasabi kung sila nga ba. Tumatawa lang silang dalawa saka i-change nila ang topic tuwing tina-tanong namin sila. May nagsasabi sa akin na dapat akong matuwa dahil mukhang hindi naman sila official pero mas lamang ang selos at lungkot kapag nakikita ko kung gaano sila ka sweet sa isa't isa.

"Ano order niyo guys? My treat." biglang saad ni Tyrone kaya naalis ang tingin ko sakanilang dalawa.

"Ulul! Bago 'yan ah? Bakit ka manlilibre? Nagpapakitang gilas ka ba kay Rhane?" Nanunuksong tanong ni Laurenth kaya bigla naman namula si  Rhane na tinawanan naman namin ni Kaori.

"Gago! Kakatanggap ko lang kasi ng allowance ko! Huwag kang kakain ha! Hindi ka kasama sa libre ko!" Si Tyrone.

"'Iyan ang hindi ko matatanggap, pre. Nasa iisa tayong lamesa tapos hahayaan mo lang ako magutom? Masisikmura mo 'yun?" Si Laurenth na mukhang nagpaawa pa kaya hindi ko maiwasan ang matawa ng mahina.

"Oo! Kahit mamatay ka sa gutom wala akong pakealam!" Sigaw ni Tyrone atsaka tumayo at pumuntang counter.

"Hoy! Aba't! Bastos talaga! Rhane huwag na huwag mo yun sasagutin ha? Nagpa-papogi sayo 'yun!" Baling nito kay Rhane na tahimik lang na tumatawa sa bangayan nilang dalawa.

"Hoy! Rinig kita, gago! Kahit hindi na ako magpapogi, pogi na ako!"

"Kwento mo sa pagong!"

Atsaka kami nagtawanan ulit. Napatingin ako kay Amiel at nakita ko na nakatingin siya sa akin kaya naman nginitian ko siya at ganun din ang ginawa niya.

Shooooot! Nginitian niya ako! Shet! Buo na naman araw ko!

"Ano gusto mong kainin, Ast? My treat." sabi sa akin ni Laurenth kaya napatingin ako sa kaniya. At ewan ko pero nasisilaw ako sa ganda ng ngiti niya sa akin.

"A-ah, hehehe. Akala ko si Tristan magtri-treat?"

"Syempre kapag ikaw, dapat sagot ko. Mamaya nilagyan niya ng gayuma pagkain mo tapos sa kaniya ka na ma inlove na dapat sa'kin." saad niya. "Basta kapag sayo, sagot kita." dadag niya saka ako kinindatan.

Hindi ko naman maiwasan pamulahan. Naging crush ko si Laurerth, pero mas matindi ang pagka gusto ko sa pinsan niya na si Amiel. Pogi silang dalawa at matalino din pero hindi ko alam kung anong espirito meron si Amiel at sa kaniya nababaling ang atensiyon ko.

"Huy! Ano 'yang bulungan niyo diyan? Baka magkasagutan na kayo diyan ha?" Biro sa amin ni Yvette kaya napatungo ako at nahiya. Napuno ng panunukso ang buo ang table namin.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto sa akin si Laurenth. Actually ay umamin pa nga siya sa akin, pero sinabi ko na bawal pa ako mag boyfriend dahil nag-aaral pa ako. Naiintidihan naman niya daw at handa siyang mag-hintay para sa akin. Ayaw ko siya paasahin dahil hindi niya alam na iba ang gusto ko. Wala naman kasing ibang nakakaalam na ang gusto ko ay si Amiel. Kahit sa mga kaibigan ko ay inilihim ko, iba kasi sila manukso at mang-asar baka makahalata si Amiel at Laurenth.

Maybe, Not At All (On-going)Where stories live. Discover now