10

910 34 2
                                    

I woke up to the sound of music coming from the living room. Hindi familiar sa akin 'yung kanta pero naririnig ko ang boses ni Sejun. Hala! Don't tell me bagong kanta nila iyon na ire release???


"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili habang hinahanap ang cellphone ko. Saan ko ba iyon ipinatong. Nagiging makakalimutan na yata ako, hmp.


Habang hinahanap ang cellphone ko ay may biglang pumasok sa kwarto ko na ikinagulat ko naman. "Ay palaka!"


I heard someone chuckled. I looked at him and saw that it was Stell. Ano ba 'yan, nakakahiya!


"Paborito mo ba ang palaka?" He laughed. Naglakad siya palapit sa side table ko at saka ipinatong 'yung hawak niyang pagkain na nakalagay sa bowl. 


"Kain ka na muna," sabi niya. Sweet mo naman po! "Dalawang araw ka nang hindi kumakain."


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Dalawang araw?" Tanong ko.


"Oo?" Nagtataka niyang tanong pabalik. "Bigla ka nalang hinimatay noong nakaraang araw, ayon pala ay dahil may lagnat ka."


"Kaya kumain ka na diyan, panigurado gutom ka na," nag-aalalang sambit niya.


Ano ba, Ajero! Kinikilig tuloy ako.


Sumunod naman ako sa sinabi niya at nagsimula nang kumain kasi nakaramdam na ako ng gutom. Akala ko nga aalis na si Stell, e. Pero nag-stay siya do'n sa couch. Hihintayin niya daw akong matapos para masiguradong naubos ko 'yung pagkain.


Syempre uubusin ko 'to no! Siya kaya ang nagluto. Kahit ano pang pagkain basta si Stell ang nagluto, nako kakainin ko talaga lahat!


"I'm done eating, thank you for the food." I smiled at him.


Kukunin niya na sana 'yung pinagkainan ko pero sabi ko sasama na ako pababa. Nasa hagdan palang ay rinig na rinig ko na ang pagkanta ni Ken, nakailang ulit pa siya sa part na kinakanta, siguro ay hindi siya satisfied sa tono noong kanta.


Nang makababa kami sa hagdan ay natigil ang tugtog, tumigil din sa pagkanta si Ken at agad na lumapit sa pwesto namin ni Stell.


"Athina! Ayos ka na ba?" Tanong ni Ken, hinawakan niya ang noo ko kaya napaatras ako bigla. "Check ko lang kung mainit ka pa." Dugtong niya.


"Ayos na ako, pasensiya na kayo ah. Saka salamat din sa pagbabantay niyo sa akin."


Ayon kasi kay Stell ay salitan sila sa pagbabantay sa akin, dinadalhan din daw nila ako palagi ng pagkain incase na bigla akong magising.


"Nako, kay Ken ka lalo magpasalamat. 'Yan ang bantay mo ng dalawang gabi, tingnan mo oh, ang laki ng eyebags!" Parang may pang-aasar pa 'yung pagkakabanggit ni Sejun.


"Huh? Hindi, natutulog ako kaagad! 'Wag kang maniwala diyan." Pagtanggi ni Ken.


Living With SB19Where stories live. Discover now