03

1.7K 54 10
                                    


"The Department of Health reported three more cases of the coronavirus disease in the country..."


Nanonood kami ng balita ngayon. Nadagdagan na naman pala ang cases, nakakatakot. Hindi na pwedeng basta ka na lang lalabas dahil baka may virus na pala ang nakakasalamuha mo.


Pero paano ang concert ng SB19?! Matutuloy pa kaya 'yon?


Tiningnan ko silang lima, wala namang bakas ng pag-aalala sa mga mukha nila. Siguro ay tuloy ang concert. Tumatango tango ako para makumbinsi ang sarili. Huwag nega!


"Hoy! Anong tinatango-tango mo diyan?" Tanong ni Tita Aicel.


Nagulat pa ako dahil sa bigla niyang pagsasalita. Inilapag niya sa lamesa ang dalawang box ng pizza.


"Wala po! Bakit nandito ka na, Tita? 2:30pm palang, ah?" Nagtataka kong tanong.


Ang alam ko kasi ay hanggang 8:00pm pa ang labas niya sa trabaho. O baka hindi lang siya ganoon ka-busy ngayon? Wala sigurong bagong project na naka-assign sa kaniya. Isa kasi siyang architect sa isang malaking kumpanya. Ang totoo niyan ay siya pa mismo ang nagdesign sa bahay-bakasyunan na ito.


Kung mapapangasawa ko ang isa sa SB19, kay Tita Aicel ako magpapadesign ng magiging bahay namin! Iniisip ko pa lang, kinikilig na kaagad ako!


"Ah, half day lang ako sa kumpanya ngayon. Kailangan ko pa kasing mag-empake ng gamit."


Napatingin naman ako bigla sa kaniya. Napansin ko din ang paglingon ng SB19 sa gawi namin. What is she talking about? Aalis siya?


"Aalis ka, Tita?" Curious na tanong ni Justin.


Bakit kaya nakiki-Tita! Tita mo?!


Nakatingin lang kami kay Tita, naghihintay ng isasagot niya. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. Hmm.


"Yeah. Uuwi kami ni Marvin sa probinsiya nila habang pwede pang bumyahe," casual niyang sagot.


Umupo siya sa tabi ko at saka binuksan ang isang box ng pizza. Nilagyan niya na din ng sauce lahat ng slice bago kami inalok kumain.


Wait! Aalis siya? AALIS SIYA? Maiiwan ako dito! KASAMA ANG SB19?! OH MY GOODNESS!


"Tita! Bakit hindi mo naman ako kaagad sinabihan?!" Nakasimangot kong tanong.


Pero ang totoo ay medyo natuwa din ako, kasi nga ako lang at ang SB19 ang maiiwan dito! Landi!


"Arte ka pa! Chance mo din naman 'to para maka-bonding ang mga idol mo!" Bulong niya.


Si Tita talaga, napaka-supportive! Kaya siya ang paborito kong Tita, e. Go na go siya palagi. Hindi katulad ni Mama at ng iba ko pang tita, para silang mga babaeng hindi nakaranas ng magandang childhood!

Living With SB19Where stories live. Discover now