02

1.9K 55 6
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising, 5:30am pa lang. Naisipan kong tumawag kay Yera, kapatid ko, dahil hindi na ako nakatawag kahapon noong dumating ako dito. Masyado yata akong na-excite dahil nandito ang SB19.


Sigurado naman akong gising na ngayon si Yera, alas sais kasi ay umaalis na 'yon para pumasok sa school.


Nakaapat na missed call pa ako sa kaniya bago nasagot ang tawag. Ano naman kaya ang ginagawa no'n at hindi kaagad sumagot?


"Hello? Ate?"


Kakagising niya lang yata dahil narinig ko pa ang paghikab niya. Aba, anong oras na!


"Wala ka bang pasok? Bakit kagigising mo lang, ha? Male-late ka na! Bu-" hindi ko na natapos ang sasabihin, bigla kasi siyang nagsalita.


"Wala! A... hind... talaga... od... ng... balita. Nag-announce na... wal... daw pasok dahil... rus," putol-putol niyang sabi.


Pinipilit ko namang intindihin pero wala talaga akong naintindihan maliban sa nag-announce at daw pasok. It does not makes sense!


"Ano?" Nakakunot noo kong tanong. "Chappy ka. Doon ka sa may bintana pumwesto."


Biglang tumahimik sa kabilang linya.


"Hello? Yera?"


"Ate, ano? Naririnig mo na ba ako?"


Lumabas yata siya, rinig na rinig ko ang ihip ng hangin doon.


"Oo. Ano ulit 'yong sinasabi mo kanina?" Pagtatanong ko ulit.


"Wala na kaming pasok. Nag-cancel na ng klase kasi nga may virus. Sayang nga, competition pa naman sana namin bukas." Medyo malungkot ang boses niya.


Halos isang buwan mahigit din silang nagpractice para doon. Minsan ay napapanood ko pa ang practice nila dahil may ilang beses na doon sila nagpractice sa may court na malapit lang sa bahay namin.


"Hayaan mo na, may susunod pa naman," I said in a soothing tone. "Kapag nagkapasok na ay saka ka na lang ulit sumali sa Sabayang Pagbigkas."


Napaka-competitive kasi niyang kapatid ko. Halos lahat yata ng extra-curricular activities sa school nila ay nasalihan niya na!


"Kaya nga, e. May susunod pa naman!" She let out a heavy sigh."Kumusta pala diyan, ate? Nakita ko sa picture na maganda ang bahay ni Tita, ah!"


Napangiti ako dahil naging masigla na ulit ang boses niya. Dapat isasama ko siya papunta dito kaya lang hindi siya pinayagan ni Mama kasi nga may pasok pa sila. Hindi naman inexpect na mawawalan bigla ng pasok ngayon.

Living With SB19Where stories live. Discover now