06

1.5K 47 35
                                    


"Okay lang," Sejun shrugged before returning to his seat.


Naipakita ko na sa kanila 'yong to-do lists na ginawa ko. Grabe, nakakahiya 'yong kanina! Dapat kasi nagcheck muna ako ng phone, e! Bakit kasi ipinakita kaagad sa kanila? Haynako!


"Mas maganda na rin 'yong ganiyan, nakaplano ang gagawin," Stell smiled.


"Tama. O, ano? Simulan kaagad bukas?" Tanong ni Ken. Aba excited din 'to, ah!


"Sige, sige!" Pagsang-ayon naman ni Josh.


"Nice! Mag-aayos tayo ng garden bukas! Pwede ko bang lagyan ng design?" Tanong ni Justin. "Pokemon! Hahaha! Joke!"


"Hala, hindi ako sigurado. Kakausapin ko na lang siguro si Tita," sagot ko. Baka kasi biglang magalit kapag hindi ako nagtanong.


Una ko kasing inilagay 'yong paglilinis sa garden, syempre mas mabuti kung sisimulan sa labas. Nag-suggest din si Sejun na isabay na sa paglilinis 'yong pool sa likod. May pool kasi doon pero walang tubig dahil wala naman daw gumagamit.


Bago ako natulog ay tinawagan ko muna si Tita, sinabi ko sa kaniya 'yong plano namin para bukas. Pumayag naman siya, basta siguraduhin daw namin na maganda ang kalalabasan.


"Game na, game na!" Excited na sabi ni Justin. May hawak siyang gunting, 'yong malaki, panggupit talaga sa mga dahon.


"Sa pool ako," sabi naman ni Stell. May hawak pa siyang timba at pang-brush.


"Tara Jah, garden," aya ni Ken kay Justin. May hawak siyang walis at dustpan.


"Ako din sa garden!" Sigaw ni Josh mula sa kusina. Hinahanap nila ni Sejun 'yong hose na gagamitin sa pagdidilig mamaya.


"Sa pool ako!" Sigaw din ni Sejun.


Napatingin naman sa akin si Stell tapos bumaba ang tingin niya sa hawak ko. May hawak akong walis dahil balak kong maglinis na lang din sa garden, tiga-walis lang. Hahaha!


"Ibigay mo na lang 'yan kay Josh, sama ka na sa amin sa pool. Para pantay, tig-tatlo," sabi ni Stell at iniabot niya sa akin 'yong isang brush. Dalawa pala 'yong brush na hawak niya kanina, hindi ko napansin.


Nakooo Ajero! Sabihin mo na lang kasi na gusto mo lang akong kasama!


Dumiretso na kami nina Stell at Sejun sa pool area. Hindi naman ganoon kadumi, may ilang dahon lang sa pool. Iyon muna ang una naming inalis.


"Lagyan ko lang 'to ng tubig." Itinaas pa ni Stell 'yong timba bago siya umalis.


Pagbalik ay dala niya na 'yong timba na puno ng tubig tapos basa na 'yong damit niya pati buhok niya. Para siyang bagong ligo.

Living With SB19Where stories live. Discover now