These days, I can tell that me and Ken are getting closer to each other. Kagabi nga nasa pool area na naman kami, nagkukwentuhan. We didn't plan it though. Pagkalabas ko lang do'n kagabi ay nakita ko siyang kumakain habang nakap'westo sa may kubo.
Friday na ngayon, sa Sunday magpe-perform na ang SB19. I'm so excited! Konting panahon nalang, omg!
Nasa studio ang SB19 ngayon, with their manager. Siguro ay nagmi-meeting lang tungkol nga sa darating na concert nila. Ako naman nandito lang sa kwarto at nagba-browse sa FB ko. May nagnotif bigla kaya chineck ko naman 'yon kaagad.
SB19 is live: Watch Now!
I immediately clicked that notification. Naka-live sila! Bakit hindi ako nainform, e nasa iisang bahay lang naman kami.
"A'tin, excited na ba kayo?" Tanong ni Sejun.
I saw many comments from A'tin. Some are replying to Sejun's question while some are just sending blue hearts.
"Don't forget to mark your calendars." I don't why but I'm smiling right now, habang nagsasalita si Ken. "April 5, 2020. 5:00pm. Our online concert."
Madami pa silang sinabi sa live, hindi na ako nagcomment sa comment section at tahimik lang na nanood. Isang oras mahigit din ang itinagal no'n. Pagkatapos kong manood ay nagdecide na akong maligo. Magtatanghalian na kasi kaya kailangan ko na ring bumaba.
Nagsusuklay ako ng buhok nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Saglit lang," sigaw ko at binilisan na ang pagsusuklay.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si Stell. He smiled at me so I smiled back. My heart was supposed to beat faster right now but something seems wrong. I don't feel anything.
"Kain na tayo," sabi niya. Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad papuntang kusina.
Nando'n na silang lahat nakaupo. Nagtaka naman ako kasi wala na 'yung manager nila, e nandito lang 'yon kanina. Sabi nila ay umalis na daw agad pagkatapos ng live nila sa FB kanina.
Halos hindi ko rin sila nakausap dahil pagkatapos kumain ay dumiretso sila sa studio para magpractice. Naging sobrang busy sila maghapon, ako naman tumambay nalang sa kwarto at nanood lang maghapon.
"Bukas na!" Masayang bungad ni Sejun kinaumagahan. Kitang kita ko sa mata niya 'yung excitement.
"Good morning naman," natatawa kong sambit.
"Hahaha good morning!" Sabi niya. "Naexcite lang ako. We've been waiting for this!"
"Good morning," nakangiting bati ni Stell.
"Good morning, Athina! Stell! Sejun!" Masiglang bati ni Justin.
YOU ARE READING
Living With SB19
FanfictionWho would've thought that I'd be stuck in this house? Who would've thought that I'd be living with SB19 because of this quarantine? Am I lucky? I guess, not. __________ Story by: Angel_Jangmi