Chapter 9

58 4 0
                                    

I don't know if I can still be myself after this or can I be able to live again...I suddenly felt like my world fell down and turned off its light. Para akong namatayan ng ilaw sa buhay, para akong nangangapa ulit sa madilim na mundo, parang bagong silang ulit, walang muwang...hindi alam ang lahat ng bagay.

"I'm sorry for your loss."

I nodded slowly while hugging my mom's pillow. This is her favorite pillow, it's smells like her. I missed her so much...

Nagbara ang lalamunan ko, nag-init ang gilid ng mga mata at unti-unti na namang nanghihina. I hate this...

"Prim," Rowan called me but I didn't look up, I saw his shoes in front of me. I continue hugging my mom's pillow while looking down. Takot na makita ang awa sa mga mata ng mga tao. Natatakot akong baka kapag nakita ko ang awa sa kanila ay humagulgol na naman ako.

"Kanina ka pa walang pahinga, kumain ka muna."

I shook my head. "H-hindi, a-ayoko..." Nanghihina kong sambit.

Wala na akong lakas pa na magsalita. Parang naubos iyon nang malaman ang nangyari kay mama. Nagsisisi akong iniwan ko siya...nagsisisi akong mas inuna ko pa ang pansariling kalayaan kaysa makasama siya. Mas inuna ko pa ang sarili ko...dapat...kasama ko siya noon at baka hindi nangyari ang krimen.

She was killed inside of our house. She was brutally stabbed...repeatedly. I wanted to burst out my anger but I know I'm too weak for that.

"Babalik na 'yong mga kaibigan mo rito, sabay na kayong kuma--"

"P-please...I wanted to be a-alone, R-rowan..." I wiped my tears and looked at him. "P-please..."

He nodded and patted my head. "Just call me if you need something, hmm?" Malambing niya sa sabi at nginitian ako nang malungkot.

I nodded slowly. "S-sorry..."

"You don't have to," he said and waved his hand. "Call me, hm?" Ulit niya sa malambing na tono pa rin.

Tumango ako at hindi na ulit siya tiningnan pa. I'm so tired, drained and sad...I wanted to rest but I don't want to leave my mama. I don't want to leave her again...now that I only have days with her. I want to spend my days with her...kahit sa huling pagkakataon. Kahit wala na siyang buhay, basta makita ko lang siya, makasama.

Nagising ako kanina at ang unang hinanap ko ay si Mama, I prayed to God that the last memory I remembered would only be a dream...na sana panaginip lang ang balitang nabasa ko sa cellphone ni Moana, na sana panaginip lang na wala na si Mama....pero when I asked Moana, she told me that I wasn't dreaming, it was real and it really happened. I immediately asked Troy to get me a ticket, I want to go back here as soon as possible. Kaya ayon ang nangyari, I didn't know Moana and him will accommodate me, sumama sila sa akin, inakay nila ako dahil hinang-hina ako. Sinamahan nila ako hanggang dito sa bahay...

Nilibot ko ang paningin sa mga taong nakikiramay, they looked so sad...they are all my relatives, but...I'm not close to them, ni hindi ko nga kilala ang iba.

Natigilan ako nang makita si Moana kasama si Troy, may dala itong paper bag. Seryoso ang tingin habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Moana patted my head and hugged me, she then kissed my cheek and whispered she'll just prepare our food so we can all eat. I nodded slowly while staring at Troy. Umalis si Moana at naiwan ako kasama si Troy.

Kumuha ng upuan si Troy at naupo sa tabi ko. I can hear his heavy breathing, mukhang napagod sa byahe nila. Kaninang madaling araw pa sila umalis para kumuha ng mga gamit nila sa La Isla Prinsesa. I'm very thankful that I have them in this kind of my days. Alam kong nakakaabala ako sa kanila but they insisted to be with me, they wanted to be with me para raw may kasama ako kahit narito raw ang mga kamag-anak ko. Hindi ko man masabi sa kanila ni Moana ay sobrang pasasalamat ko na tinulungan nila akong makauwi agad at maabutan pa si Mama sa huling sandali.

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon