"I can't watch your performance, Troy. I'm busy for my presentation tomorrow." I massaged my head and type again on my laptop.
"But you said you will be there, right?" Himig ang kalituhan sa boses niya.
I bit my lower lip and closed my eyes. Pabagsak kong sinandal ang likuran sa upuan ko at tinitigan ang ginagawang power point.
"Y-yes, I'm sorry...biglaan din kasi ang pagbibigay eh. Kahapon lang binigay tapos...ngayon sobrang gahol ako sa oras kasi bukas na agad ang presentation ko. Hindi ko alam sa professor na 'yon, mukhang may galit sa amin--"
"Okay, take your time and good luck to your presentation tomorrow." He ended up the call. Napatitig ako sa screen ng phone ko. Napakagat sa labi.
I know I'm at fault. I promised to him pero...kasi hindi ko alam na may magbibigay ng ganitong presentation in a span of two days lang ang preparation. At nasakto pa sa performance nila. It is a big gig they have so far, wala na si Akihiro sa grupo nila, ang pumalit ay bago na. I don't know his name.
Tinawagan ko si Moana. Agad naman nitong sinagot iyon nga lang mukhang pangit ang tyempo ko.
"I'm with Ericson right now, bebe. What it is ba? Mukhang importante ah?" She chuckled.
I sighed. "Can you watch their performance tomorrow for me? I can't go kasi I have a presentation tomorrow. Umaga ang gig nila kasi 'di ba it was for the candidate of Presidential. So hindi ako makakapunta."
"Ano ka ba! Maiintindihan ka naman ni Troy 'no! At huwag kang mag-alala, I'll go talaga kasi mommy ko ang tatakbo, 'di ba?"
I slapped my forehead. "Oh geez, I forgot."
"Hoy, loosen up bebe! Huwag kang magpaka-stress masyado, baka hindi na kita makilala kapag nagkita ulit tayo."
Napangiti ako. "I miss you, Moana."
"Kainis ka, naiiyak ako. Miss na miss na rin kita, bakla. Kita tayo kapag free day mo ah? Call me lang."
I ended our conversation kasi baka mag-iyakan pa kami at hindi ko na matapos ang ginagawang presentation. I sighed and massaged my nape...hindi ko alam kung bakit nagiguilty ako eh mukhang okay lang naman kay Troy na hindi ako umattend, he said he's okay with it! Pero bakit...fine, kapag maaga natapos ang presentation ko then I'll go there.
Napangiti ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Natapos ako ng alas tres nang madaling araw at natulog agad. Sobrang kabado ako nang pumasok kinabukasan dahil na rin malaki ang magiging part nito sa grade ko.
"You have the highest grade, Primrose!" Bida sa akin ng President namin. Napaawang ang labi. I am not expecting this, I only prayed for a passing grade...wow, thank you Lord!
Sobrang saya ko sa nalaman kaya naman nang pwede nang lumabas ay agad akong nagtungo kung saan magpeperform sina Troy, maaga rin kasi kaming natapos sa presentations kaya mukhang maabutan ko pa naman. Iyon nga lang ay malayo iyon sa university kaya dalawang sakayan pa ang nangyari. Tinawagan ko na rin si Moana at sabi hindi pa naman daw nag-uumpisa, inaantay pa raw ang mommy niya kasi naabutan ng traffic.
"Andito kami sa may back stage, sasabihan ko na lang 'yong staff na samahan ka papunta rito para hindi ka harangan. Basta hanapin mo lang si Samantha, you know her right? 'Yong laging kasama ni mommy?"
"Yes, okay thank you Moana! Andiyan ba sa back stage sina Troy?"
"Yep! Pero bilisan mo ang daming umaaligid sa mga ito! Lalo na kay Troy, bad mood eh, gwapong-gwapo sila dahil nagsusungit! Mas lalo raw gumwapo."
Napangiwi ako. "Ha? 'Di ko gets. But I'm near na pala. Nasa entrance na ko and I'm looking for Samantha."
Kailan pa naging gwapo 'yon kapag nagsusungit? Well, sa bagay hindi ko pa nakitang nagsungit iyon dahil magaan ang pakikitungo niya sa akin, madaldal at never naman akong sinungitan. Oh! Iyon pa lang unang kita namin...pero hindi naman siya gumwapo ah...gwapo na talaga siya kahit hindi magsungit! Kung ano-ano talagang pinagsasabi ni Moana.
![](https://img.wattpad.com/cover/311790340-288-k403268.jpg)
BINABASA MO ANG
Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-going
Ficțiune adolescențiLa Isla Prinsesa Series #2 Started Date: May 27, 2022 Ended Date: -