Chapter 22

57 4 0
                                    

This is not all about me, this is all about the people around me. Hindi lang naman ako ang dapat kong isipin sa magiging desisyon ko. Three days na lang at kailangan ko nang sabihin kay Jiro ang desisyon ko, I need to think about it thoroughly.

Despite of having good times with Troy these past few days, a little part of my mind keep reminding me that these would last, these all will be a part of my past because the huge possibility of my decision is that I will marry Jiro. My good times and memories with Troy will always be a part of my soul, heart and mind. Alam ko kamumuhian niya ako sa magiging desisyon ko, but the least I can do right now is to make us both happy. Kahit sa mga nakaw na araw na 'to na dapat ay ginugugol ko upang makapag-isip nang maayos.

"Hoy, tulala ka na naman!" Pukaw sa akin ni Moana habang nakaupo kami sa sun lounge at nakaharap sa maaliwalas na dagat.

I took a leave last friday and kahapon lang na-approve-bahan, kaya naman kagabi rin ay naisipan kong dito sa La Isla Prinsesa magpalipas ng isang linggo. Sapat na siguro ang ilang araw na nakasama ko si Troy, it's time for my me time, I guess.

I miss being alone...with peaceful places. Like I used to do before. Nagpapahangin sa iba't-ibang bahagi ng mundo to freshened up my mind dahil wala akong malapitan noon, ayokong mag-open up sa mga taong malalapit sa akin because I'm afraid. Lagi akong dinadapuan ng takot na baka hindi nila ako maintindihan, na baka husgahan nila ako, na baka sabihin nila ang babaw-babaw ko at baka sabihin nila masyado akong madamdamin.

"I'm happy for your mother, Moana." Tukoy ko sa mommy niya na kakaupo lang sa Malacañang bilang bagong Presidente ng Pilipinas.

"'Wag mong ibahin ang usapan. What's on your mind ba? Hindi ka pupunta rito kung walang dahilan, you also took a leave. Ni hindi alam ni Troy na andito ka, he's looking for you, he called me early in the morning. Gosh, matutuyuan ata ako ng dugo sa inyong dalawa." she said.

I shook my head, sinuot ang sun glasses at inayos ang pagkakahiga.

"I'm breaking up with him." malamig ngunit seryoso kong sabi.

I felt her sun lounge move, she exaggerated sat face at me.

"You're kidding me?! Naging kayo?! How come...hindi ko alam!" she shouted.

Yes, sinagot ko siya after his 3 days of courting me. Naisip ko kasi hindi ko na mararanasan pa ang maging boyfriend si Troy kung hindi ko siya sasagutin. I'm also curious how it felt to become his girlfriend...nakakainis, dahil sobrang sarap sa feeling. Nilubos-lubos ko na ang ilang araw na kami dahil alam kong may hangganan. May hangganan lahat nang kasiyahan ko...

I wiped my tears and force myself to swallowed the lump in my throat.

"Naging kami...3 days lang, Moana. Hindi ko sinabi sa 'yo dahil hindi naman ako seryoso sa relasyon namin. I'm just playing with him. Alam mo namang never pa akong nagkaboyfriend." I laughed. "I just want to know how it felt to have a boyfriend. Curiosity eka nga. I made him my boyfriend dahil bored lang ako--"

"Enough, Primrose."

Ang kaninang peke kong tawa ay nawala nang marinig ang baritonong boses ni Troy. Nangatal ang mga labi ko...naiiyak ako habang sinasabi ko iyon pero dahil sa sun glasses kaya kong peke-in ang emosyon ko, 'wag lang nila makita ang emosyon sa mga mata ko. My lips can lie...I know. But my eyes can't, sun glasses can protect me from this bullshit I'm making up.

"A-andito ka pala...narinig mo naman siguro lahat, Troy." Hindi ko mai-angat ang mga mata ko habang sinasabi iyon nang malamig.

"Loud and clear." He said it with his natural stern voice. Hindi ko magawang tingnan siya dahil ramdam ko ang emosyong lumalabas sa kanya...ramdam ko ang sakit, galit at hindi ko mapangalanang emosyon pa.

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon