"I know you are all ready for this pictorial. Good luck everyone!"
I massaged my neck when I felt it throb. Siguro dahil sa byahe kahapon. Hindi komportable ang pagkakasandal ko sa leeg sa plane.
"Your partner is Khaze po Miss Primrose." Tisha said.
I nodded. Kahit sino naman okay lang sa akin. As long as maayos katrabaho.
Nagstart na ang pictorial, medyo naba-bother ako sa leeg ko pero ininda ko ang sakit dahil baka mas lalong tumagal ang trabahong 'to. I need to rest na talaga, ang sakit ng leeg ko.
Inayos ko ang pagkakahawak sa tiyan ni Khaze bago fierce na tumingala sa kanya. Nakatitig din naman ito sa akin habang ganoon din ang tingin, nakahawak naman ito sa hita ko at nakapalibot ang isang kamay sa bewang ko hanggang sa pinagpahinga niya ang palad sa maliit kong tiyan.
May ibang position pa kami na ginawa bago nagpahayag na tapos na para sa araw na 'yon. Napasinghap ako at agad na lumapit kay Kisha at Tisha. Inabutan nila ako ng roba at tubig.
"May naghahanap po pala sa inyo, Miss Primrose. Kaso hindi ko na po makita ngayon, baka po umalis na."
Nilingon ko si Kisha. "Sino?"
"Ah--hindi po kasi sinabi ang pangalan. Pero babae po siya..."
I nodded. "Okay, get her name kapag nakita mo ulit."
She nodded before writing on her pad.
Pumasok ako sa fitting room at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay inaya ko na sina Tisha at Kisha na umuwi na. I'm staying at a five star hotel dahil gusto ko ang mahigpit na security nila at mas makakatipid dahil libre na ang food namin doon, may club na rin na pwede kong tambayan kapag naiinip ako sa loob ng room ko. I need to unwind na rin dahil pagod sa trabaho. Maybe tomorrow, I'll visit the club. Nasa loob lang naman mismo nang ekslusib na hotel kaya naman hindi ko na kailangang sumakay pa. That's a perk of staying at a five star hotel.
Dahil sa pagod sa pictorial ay hindi ko namalayang halos sobrang dilim na ako nang magising. Nagugutom ako but I don't want to eat here inside, gusto kong kumain sa labas, makalanghap man lang nang sariwang hangin. So instead of having a delivery food, I went out and choose to eat in there glass type of eating place, para siyang ferris wheel na type pero nakababa lang. Kitang-kita ang labas at may nakakapasok pa rin na hangin sa loob galing sa itaas, because open siya and then pwede siyang i-close kapag naulan. Meron din kasing air conditioner sa loob so if it's raining, naka-close ang itaas and pwedeng i-open ang aircon.
I was waiting for my food when my phone rang. It was Tisha.
"Hello," bati ko rito.
"Miss Prim, I'm sorry to disturb you. I saw you outside po and I bumped into the girl who's looking for you, I'll just confirm to you, should I tell her to meet you tomorrow instead?'
I massaged my temple and slowly bit my lower lip. Sana naman...hindi ang taong naiisip ko ang naghahanap sa akin.
"Y-yes please. Tell her to just meet me tomorrow. Thank you Tisha."
"Noted po. Have a good sleep, Miss Prim."
"You too. Bye." I dismissed it and looked outside. I sighed and opened my social media accounts. I first scroll at my instagram and check my notifications.
I read the comments I have in my recent post. And of course, marami akong basher kaya naman nakaaliw magbasa. Thankfully, mas marami ang nagmamahal at sumusuporta sa akin.
Natigilan ako sa pagsscroll nang may mapansin akong komento.
Trolley Walley: Sino ba 'yang baluga na nakahawak sa hita mo?? Parang pinipit na mangga!

BINABASA MO ANG
Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-going
Ficção AdolescenteLa Isla Prinsesa Series #2 Started Date: May 27, 2022 Ended Date: -