Some poisonous people come disguised as friends and family.RUTHLESS SINS SERIES 5 | THE LOST KING
CHAPTER ONE – WHORE HOUSE
AUDREY
"Wear this."
Hindi ako tuminag sa kinauupuan ko habang inilapag ni Mommy ang isang white dress sa kama. Maganda iyon. Mukhang mamahalin. Iba sa mga damit na ibinibigay niya sa akin na alam kong mga pinaglumaan lang naman. Sigurado akong may pupuntahan kami ni Mommy. Dahil binibigyan lang niya ako ng mga ganitong kagagandang damit kapag isinasama niya ako sa mga handaan.
"These shoes. Mahal ang bili ko diyan kaya hindi mo dapat gasgasan," inilapag niya sa tabi ng damit ang isang pares ng sexy na sapatos. "Puwede ko pa 'yang ibenta uli. Pati ang damit kapag isinuot mo, ingatan mo."
"May pupuntahan tayo, Mommy?" paniniguro ko.
Ngumiti siya sa akin. "Yes. Tonight, is a special night."
"Pero may kailangan po akong tapusin na assignment. Magre-review din po ako kasi may exams kami sa Math." Katwiran ko.
Tingin ko ay nairita siya sa sagot ko.
"Kapag nagawa mo ang ipapagawa ko sa'yo ngayong gabi, hindi mo na kailangang mag-aral. Hindi mo na kailangang mag-review, mag-exam. You don't need to be educated because you are beautiful and you can use your charm to get your way up."
Hindi ako sumagot sa sinabi ni mommy. Hindi ko na kailangan mag-aral? Ayaw ko nga. Gusto kong mag-aral. Gusto kong makatapos ng high school at makapag-college. Gusto ko pang maging lawyer. Iyon talaga ang pangarap ko. Iyong magtatanggol ako ng mga mahihirap saka mga naaapi.
"Magbihis ka na. Bilisan mo na at aalis na tayo mayamaya," sabi pa ni Mommy at lumabas na ng kuwarto ko.
Tiningnan ko lang ang damit at sapatos. Hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Katabi ko doon ang mga libro ko at notebook. Mas iyon ang pinagtuunan ko ng pansin. Naalala ko sabi ng teacher ko, malaki daw ang chance na maging valedictorian ako sa upcoming graduation. Magtatapos na ako ng high school. Nai-excite talaga ako. Kapag nakatapos ako sabi ng teacher ko, dahil gusto kong maging lawyer, kumuha daw ako ng kurso na pasok doon. Pre-law daw ang tawag. Sabi ni Teacher, puwede daw ang Psychology. Study of the human mind and behavior. Economics puwede din daw o kaya Political Science. Parang gusto ko 'yong Psychology na course. Tutal mahilig naman akong ma-observe ng mga tao.
Pero ang tanong, tutustusan pa kaya ng mommy ko ang pag-aaral ko? Ito ngang pag-aaral ko sa high school hirap na hirap na akong ihingi sa kanya. Lagi na lang akong delayed sa bayad monthly sa school. Lagi akong nakapila sa registrar office para sa promissory note. Lagi na nga nakasimangot ang bantay doon kasi alam nang late na naman ang payment ko. Si mommy kasi kung ano-ano ang inuunang pagkagastusan. Mas inuubos niya ang pera sa pagbili ng mga damit, sapatos, bag at make-up niya tapos aalis siya ng gabi.
Kahit may idea na ako kung ano ang trabaho ni mommy, hindi naman ako nagtatanong sa kanya. Basta alam ko, aalis siya ng gabi at umaga na siya uuwi. Tapos iba-iba ang sumusundo sa kanya at iba-iba rin ang naghahatid. Iba-ibang sasakyan ang nakikita ko. Usap-usapan sa mga kapitbahay namin sa tuwing lalabas ako, pokpok daw ang mommy ko. Kanina lang nang dumaan ako sa tapat ng tindahan at naghihintay ako ng tricycle narinig ko ang usapan ng mga nakaumpok na mga babae doon.
"Maganda ang anak ni Suzanne 'no? Halatang may lahi ang tatay."
"Oo. Maganda din naman kasi si Suzanne. 'Di ba kasi frustrated actress iyon?" sabi ng isa.
YOU ARE READING
THE LOST KING (RUTHLESS SINS SERIES 5)
General FictionRUTHLESS SINS SERIES 5 THE LOST KING BLURB I turned my back to the family that I had. I was not proud of bearing the surname Botkov and the power that surname can give. I tried to become one of them. I once became the loyal son, the loyal brother...