CHAPTER FIVE | Gate Crasher

1K 27 3
                                    


Never to suffer would never to have been blessed – Edgar Allan Poe

RUTHLESS SINS SERIES 5 | THE LOST KING

CHAPTER FIVE | GATE CRASHER

AUDREY

Nakatitig lang ako sa audio-visual presentation ng teacher namin sa Health. Reproductive system na naman ang dini-discuss sa amin. Naroon ang litrato ng babae at lalaki, mga private parts at mga functions sa katawan. Hanggang mapunta ang discussion sa sexual intercourse. Naririnig ko ang bulungan at bungisngisan ng mga kaklase ko. Pagdating talaga sa mga ganitong bagay, buhay na buhay sila sa discussion. Sinasabi ng teacher namin na during intercourse dapat maiging malaman ang pag-iingat at pagkakaroon ng protective sex. Maaari daw gumamit ng condoms para maiwasan ang sexually transmitted diseases. Para maiwasan naman ang pagbubuntis, puwede daw ang pills, calendar method, IUD ba 'yon? Napangiwi nga ako nang ipakita ang picture noon na parang bakal na korteng letter T. Ipapasok iyon sa loob ng babae? Meron pa daw mga injectable na hindi ko rin naman maintindihan.

Sige ang pagtatawanan ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinapansin. Naglabas ang teacher namin ng condom at ipinakita iyon sa amin. Lalo nang naglakasan ang tawanan. Seryoso lang akong nakatingin. Nakakita na ako noon. Binigyan nga ako ng Mommy ko. Ang mommy ko na dapat na iniingatan ako pero ang ginawa ay ipinain ako sa lalaking hindi ko naman kilala.

Namuo ang luha sa mata ko pero pinigil ko talagang umiyak. Ilang araw na akong ganito. Tulala. Laging lito. Hindi ko makalimutan ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko. Hindi ko naman puwedeng sisihin ang lalaking nakasama ko dahil ako naman talaga ang nag-aya sa kanya dahil sa utos ni Mommy. Pero pagkatapos ano na?

Ano na ang mangyayari sa akin? Mabilis kong pinahid ang luha ko sa mga mata at muling itinutok ang pansin ko sa teacher namin na nagdi-discuss. Ngayon ay pills naman ang dini-discuss nito. Sabi ng teacher namin na mahalagang matutunan ng mga kabataan ang tungkol sa mga ganitong bagay para maiwasan ang teenage pregnancy. Pero sa tingin ko, tuwang-tuwa pa ang mga kaklase ko sa naririnig nila.

Hanggang sa sabihin ng teacher namin na kailangan naming mag-grupo at magkakaroon kami ng reporting sa susunod na meeting. Binanggit kung sino-sino ang magiging magkakagrupo at nakita ko na papalapit sa akin si Brie at ang ganda na ng ngiti.

"Magka-group tayo. Yehey!" Masayang sabi nito at tumabi agad sa akin. Napangiti ako at pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Wala naman kasi akong ibang kaibigan dito sa school kundi si Brie lang. Halos pareho kasi kami ng kapalaran. Parehong iginagapang na makapag-aral sa mamahaling eskuwelahan na ito para magkaroon ng magandang kinabukasan. Kahit na nga ang mga magulang namin ay hindi naniniwala sa ganoon. Kay Brie naman, wala na nga pala siyang magulang. Ang Tita Rubilyn na lang niya ang nagpapaaral sa kanya kapalit ng pagtatrabaho dito.

"Nagpalit ka ba ng salamin? Ang kapal na ng salamin mo," puna ko. Alam kong may problema sa mata si Brie kahit noon pa. Mabilis ang panlalabo ng mga mata niya kaya every six months ay nagpapalit siya ng grado ng salamin.

Hinubad ni Brie ang suot na salamin at napapikit-pikit pa. "Oo. Kailangan. 'Yong huling salamin ko sobrang labo na."

"'Buti pumayag ang tita mo na palitan ang salamin mo? 'Di ba nagagalit 'yon na palit ka nang palit ng salamin?"

Napaikot ang mata ni Brie. "Binayaran ko naman 'yan. Nakaipon ako. Mabuti nga at may mga tip akong nakukuha sa paggu-groom ng mga aso sa pet shop niya." Napahinto sa pagsasalita si Brie nang mapatingin sa paparating na grupo sa amin.

THE LOST KING (RUTHLESS SINS SERIES 5)Where stories live. Discover now