Help someone not for the reward, but for the sake of changing a life.
RUTHLESS SINS SERIES 5 | THE LOST KING
CHAPTER NINE | STRESS EATING
AUDREY
Hindi na ako kumibo habang pinapaandar ni Pavel ang kotse niya. Hindi na rin naman siya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. Hindi na ako umiiyak. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Hindi ko lang talaga nakaya pa ang sunod-sunod na nangyayari sa akin kaya bumigay na ako. Hindi na ako nakatiis.
Inihinto ni Pavel ang sasakyan niya sa tapat ng isang convenience store. Nagtatanong na tingin ang ipinukol ko sa kanya.
"Wait for me. I'll just buy something inside. Don't go anywhere. Trust me, I can find you." Seryosong sabi niya habang iniaalis ang seatbelt at binuksan ang kotse.
Tumango lang ako sinundan siya ng tingin. Deretso siya sa loob ng convenience store. Naramdaman kong nag-vibrate ang telepono ko at ang mommy ko ang tumatawag sa akin. Hindi ko na lang sinagot. Mayamaya ay text ang na-receive ko.
Talagang sinusubok mo ang pasensiya ko sa iyo, Audrey. Putangina kang bata ka, saksakan ka ng arte. Kung ganyan ang gagawin mo, huwag ka nang umuwi dito. Bahala kang mabulok sa kalsada.
Namuo na naman ang luha sa mga mata ko at hindi ko na lang sinagot ang text ni mommy. Sanay na ako sa mga ganoong sinasabi niya. Sigurado naman ako na pag-uwi ko mamaya, wala na siya at umaga na rin darating. Maaga na lang akong aalis bukas para hindi na kami mag-abot pa sa bahay.
Nakita kong lumalabas si Pavel mula sa convenience store na may dalang supot. Pagsakay niya ay inilagay niya sa likod ang dala niyang plastic tapos ay pinaandar paalis doon ang sasakyan. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nang may madaanan kaming fast food ay ipinasok naman niya sa drive thru ang kotse niya tapos ay nag-order doon. Burgers. French fries. May rootbeer float pa. Mahilig siguro siya sa mga ganitong pagkain. Nang makuha ang order ay inilagay din niya iyon sa likod at pinaandar paalis doon ang sasakyan.
Nakatingin ako sa paligid at napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang pamilyar na lugar na dinaanan namin. Napakislot na ako at palinga-linga.
"T-teka, saan tayo pupunta?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.
Tumingin lang sa akin si Pavel. "I need to go home. I need to change." Walang ano man na sagot niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Lalong kumabog ang dibdib ko. "H-home? B-bahay mo?" Pakiramdam ko ay nanginginig na ako sa kaba. Naalala ko ang bahay. Naaalala ko ang ginawa namin sa bahay niya.
Tumingin siya sa akin at napapailing na napapangiti. "Don't worry. I am not going to touch you again. Once is enough and it was a mistake. I don't want to go to jail."
Bahagya akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.
"P-pero puwede naman akong bumaba na dito tapos uuwi na lang ako."
Doon sumeryoso ang mukha niya. "We still have a deal, right? You need to tell me who told you to gate crash my mom's party."
Naitikom ko ang bibig ko. Kung sabihin ko na kaya sa kanya na si Mommy ang nag-utos sa akin noon? Na kasama ko rin si Mommy na na-gatecrash sa party ng nanay niya. Pero baka kung ano naman ang gawin nila kay Mommy. Kahit naman hindi maganda ang pakita sa akin ng mommy ko, mommy ko pa rin iyon at ayaw ko siyang makulong.
YOU ARE READING
THE LOST KING (RUTHLESS SINS SERIES 5)
Ficción GeneralRUTHLESS SINS SERIES 5 THE LOST KING BLURB I turned my back to the family that I had. I was not proud of bearing the surname Botkov and the power that surname can give. I tried to become one of them. I once became the loyal son, the loyal brother...