IANNE's POV
Ayoko ng pumasok, ayoko ng makita yung pagmumukha ng bwis*t na Kurt na yun.
Siguradong pinagchichismisan na ko nito ng mga kaschoolmates ko ng dahil sa nangyari kahapon, baka nga may mga haters na rin ako sa facebook ehh pero kailangan kong pumasok para sa grades ko....
***
Pababa na ko ng hagdan ng makaamoy ako ng napakabangong pagkain. Pumunta kaagad ako sa kusina at tama nga ako, niluluto ni Mama ang paborito kong bacon.
"Oh my dear, gising ka na pala"
"Ahh opo, naamoy ko kasi yung niluluto niyo ehh" masaya kong sabi sa kanya habang niluluto niya pa yung bacon.
"Ahh wait lang my dear ahh, Its already cooked na naman ehh" Hinintay ko nalang maluto ng husto yung bacon and after several minutes its finally cooked.
"Anak eat your breakfast as fast as you can coz its 6:48 am na ohh" si Mama talaga masyadong nagmamadalali, 7:30 pa naman yung first subject ko ehh.
"Opo Ma"
Binilisan ko nalang ang pagkain ko at naligo na ko and Im proud to say that Im 90% ready.
Ayos dito, ayos dun
Suklay dito, suklay dun
Finally pagkatapos ng 10 minutes na pagpapaganda ko, 100% ready na ko.
Nagmadali na kong bumaba para magpaalam kay Mama.
"Ma alis na po ako, 7:06 na ehh"
"Ohh sige my dear ingat ka. I love you" ayiieee kinikilig ako sa nanay ko. Napakasweet kasi kahit kailan ehh.
"Geh ma, I love you too" lumabas na ako ng bahay namin at dahil trip kong sumakay ng jeep, pumara ako ng masasakyan ko.
May tumigil na jeep sa harap ko at sumakay na kaagad dun, sa ganda ng umaga ko napalitan kaagad iyon ng pagkainis na parang gusto kong sumumpa ng tao. Hahahah.
Panu ba naman nandun nanaman si Kurt sa dulo at syempre dun nanaman yung bakanteng upuan. Kainis na buhay toh, bakit ba lagi nalang kaming pinagtatagpo? Kasalanan ba toh nung author? Hays.
Dahil wala na kong choice, dun na ko umupo kahit ayoko, tulog naman siya ehh kaya siguradong hindi niya ko mapapansin...
Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw kaya dali dali akong tumalikod sa kanya para di niya ko makita...
"Ianne? Ikaw ba yan?" Ianne wag kang lilingon, please lang maawa ka sa sarili mo, wag na wag kang lilingon kung ayaw mong masira ang araw mo, wag na wag.
"Ako nga, bakit?" ay putek na maglagket sabing wag lilingon ehh. Bakit ba against yung nasa utak ko sa kinikilos ko? Kainis talaga ohh, wala na sira nanaman ang araw ko nito panigurado.
"Wala naman" Nagtaka naman ako sa sagot niya, para kasing may gusto siyang sabihin pero di niya masabi ehh. Nahihiya siguro tapos namumula pa, sheteng yan ang cute niya pala kapag namumula.
Waahhh sinabi ko bang cute siya? Pwedeng bawiin? Anu ba naman kasi yan ehh, bakit ba lagi nalang akong ganito, lagi ko siyang iniisip. Inis na inis na nga ako tapos sasabihan ko pa siya ng cute.
Haler Ianne magising ka nga sa kalokohan mo.
Teka nga? pwede ko namang bawiin yung sinabi ko ahh. Ano bang pinaglalaban ko? Hay nako basta hindi siya cute period.
***
Hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa school namin. Bumaba kaagad ako ng jeep at dumiretso sa room para di na niya ko makita.
BINABASA MO ANG
Mr. Bully Is Inlove With Me [ON GOING]
Teen FictionAUTHOR'S NOTE: Hi guys, ito po ang una kong story so umaasa po ako na marami po ang bumasa ng gawa kong toh... Inspired lang po ako masyado kay Ate Yhel na author ng AIWG, gandang ganda po ako sa story niya kaya naisipan ko din na gumawa ng sarili...