[6] The Bet

28 3 1
                                    

DARREN's POV

Niyaya ko yung buong gang dito sa rooftop maliban kay Kurt para magpustahan. Dito ko nalang sila dinala para walang makarinig ng binabalak ko.

"Pre, anu bang gagawin natin dito?" tanong ni Drei sabay kamot sa likod ng kanyang ulo.

"Malamang tatambay. Tanga nito ni Drei." sagot naman ni Keith. Kahit kelan talaga si Keith napakamapang-asar. Hahahah ^_^

"Tatambay lang? Kitang may chics pa kong naghihintay dun sa cafeteria ehh. Anu ba naman yan?" iritadong sagot ni Drake. Napakachicboy talaga nito ni Drake. Kapag nainlove toh, siguradong hindi na toh mangchichics.

"Tumigil na nga kayo." sabi ko sa kanila habang nagpaplucked ng gitara.

"Woaaahhh si genius nagsalita na. Ano ba kasing gagawin natin dito?" pang-aasar naman ni Wayne.

"May pag-uusapan tayo." simpleng sagot ko na hindi pa rin tumitingin sa kanila.

"Tungkol saan naman yang pag-uusapan natin?" tanong ni Tyler. "Wayne ano ba yan? bat mo kinukuha yung pagkain ko"

"Nagugutom pa ko ehh."

"Akin na nga yan. Kung nagugutom ka bumili ka ng pagkain mo. Lahat ng pagkain dito, naubos mo na ohh."

"Edi yan na. Napakadamot nito, pag ako nakabili ng pagkain wag kang makahingi-hingi ahh."

"Edi wag. Kahit naman di mo ko bigyan ng pagkain, mas gwapo pa rin ako sayo ehh. Hahahahha" sila nalang ba mag-uusap? Kanis ahh, magpupustahan nga kami tapos mauuwi sa pagwapuhan? Aba, kung pagwapuhan nalang din naman ang pag-uusapan, malamang ako na yan. Hahahah

"Hoy Tyler, mas gwapo ako sayo noh. Kahit tanungin mo pa lahat ng babae dito sa BHU ehh." paghahamon ni Wayne kay Tyler.

"Kahit na anung gawin mo mas gwapo ako. Hahhaha"

"Ako kaya ang gwapo."

"Ako."

"Ako nga sabi ehh"

"Mas gwapo ako."

"Ako ang mas gwapo sayo" At yun nga nagtalo na sila.

"Can you please stop that trash?"saway sa kanila ni RonRon.

"Sabi ko nga titigil na kami" sagot naman ni Tyler.

"Bakit wala si Kurt dito?" tanong naman ni Jaydee.

"Oo nga, bakit wala si Kurt?" weh? nakisawsaw pa tong si Drei ehh. Mema lang? Memasabi lang? Hahahaha

"Yun na nga ehh, kaya di ko siya sinama kasi siya yung pag-uusapan natin." sasabihin ko na agad yung issue para madali na tong matapos.

"Ohh anung meron kay Kurt?" tanong ni Tyler

"Di niyo ba napapansin? Parang may gusto yang si Kurt kay Ianne."

"Oo nga Pre, lalo na yung pagnanakaw niya ng first kiss ni Ianne" sabi naman ni Drake.

"Ohh kitams, may gusto talaga yang si Kurt kay Ianne. Ngayon lang yan nagbigay ng full attention sa babae ehh. Karamihan puro flings lang."

"Ohh ano namang gagawin natin kung may gusto yang si Kurt kay Ianne?" tanong ni Wayne. Yes, masasabi ko na. Pera nanaman toh. Hahaha

"Gusto niyo pustahan tayo?"

"Sige gusto ko yan. Sinong nagsasabi na may gusto si Kurt kay Ianne?" nagtaas naman kami ng kamay nila Drake at Keith. Bat tatlo lang kami? "Ohh yung natira ibig sabihin kayo yung nagsasabi na walang gusto yang si Kurt kay Ianne ahh." tumango naman yung mga di naniniwala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Bully Is Inlove With Me [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon