Chapter 17

78 8 2
                                    

a/n: since patapos na toh, gagawa ako ng flashback about kung paano na huli ng mga pulis si Gale. at siguro after netong chapter na ito ay epilogue na po. :—( sad lyp i know, pero mamaya sasabihin ako. :—) kaya don't be sad.


Chapter 17



Third person's POV


"Get off the car mister Nam!"


Sigaw ng isang pulis na naka-labas ang baril neto at nakatutok sa kotse nila Gale. Pero dahil mabilis mag-isip si Gale, eh nakapag-isip siya kaagad ng plano kung papaano siya, sila, makakatakas sa mga pulis na iyon.


Pinaandar niya ng mabilis ang kotse niya, at hindi na tinignan ang mga pulis na sumusunod sa kanila. Ang nasa isip niya lang ay kailangan niyang umalis dito at tumakas kasama ni Jade. Hindi niya hahayaan na may mapunta sa iba si Jade, sa kanya lamang ito at wala na siyang pake kung may ibang gusto si Jade na lalaki.


Ang hindi alam ni Gale, eh sa dadaan niyang kalsada ay may naka-abang na mga pulis para wala itong takas.


Binilisan na lamang ni Gale ang pag-andar ng kanyang kotse, dahil kita niya pa sa side mirror niya na may humahabol sa kanilang pulis.

Pero, sa kasamaang palad, muntikan ng mahulog ang kotse niya sa isang bangin. Na sa mataas kase sila ng parte ng kalsada.


Malapit na silang mahulog, pero hindi sila na hulog dahil dahan-dahan silang umalis sa loob ng kotse. Na unang umalis si Gale at tinulungan niyang itakas si Jade sa labas ng kotse.


Pero ang hindi alam ni Gale ay naka-abang na pala ang mga pulis na mahuli siya.


Mabilis ang galaw ni Gale, hinawakan si Jade sa kamay at kunyaring sinasakal ito, at sabay na may hawak na kutsilyo.


"If you move one step closer, I'm going to kill her!" sigaw niya sa mga pulis.


As expected, wala ginawa ang mga pulis, binaba nila ang kanilang sandata at itinaas ang kanilang kamay na nag-sasabihing talo na kami at ikaw na ang panalo. Pero ang hindi alam ni Gale ay may mga lalakin na nag-aantay sa kanyang galaw na pag-atake. Dahil sa oras na gumalaw siya, ay pwede na siyang mabaril.


Nag-isip ng dadaanan si Gale, pero hawak niya pa rin si Jade kanyang kamay. Na takot si Gale na kapag na huli siya ay baka hindi niya pa muli makita si Jade sa huling pagkakataon na ito. Kaya napa-lakad siya ng patalikod at muntikan ng mahulog.


Si Jade ay naka-estatwa lamang, gusto niyang gumalaw at kumalas sa pagka-hawak ni Gale sa kanya, pero natatakot siya na baka pag-tinggal niya ito ay baka mamatay na siya. At ayaw niya iyon mangyari.


Mabibilis ang kilos ng mga pulis na naka-bantay sa galaw ni Gale, at ipinutok ito nung nag-lakad siyang ng patalikod. Pero sa kasamaang palad ay sa balikat ito natamaan. At dahil dun, na bitawan niya si Jade at napa-hawak sa kanyang nag-dudugong balikat.

Losing our Sanity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon