Preperation

29 0 0
                                    

-MARICRIS POV-

Napakabilis ng araw. 2 buwan na simula nung nakita ko si tita Rose. Tita nga ba? Haha feel na feel ko naman. Wala akong pinagsabihan dahil hindi naman ako sigurado kung nakita ko nga ba sya o namalikmata lang ako. Ewan ko. Basta hinayaan ko na lang.

Natapos na din ang Second Periodical test at tie na naman kami ni Terrence sa pagiging top 1.

Si Terrence? Ayun, tuloy pa din sa pagpapanggap na nililigawan nya ko kaya naman kung ano anong klase ng pambubully ang natatanggap ko mula sa mga babaeng naglalaway sa kanya. :3

Si Bianca? Ewan ko pero pakiramdam ko gusto nya na rin ako. Oh assuming lang ako? Kasi sobrang bait nya sakin at lagi nya kong sinasama kung saan saan. Sobrang mahal ko na tuloy sya. Alam kong maraming nandidiri. Eh anong magagawa ko? Eh sa mahal ko si Bianca eh. Ang dami ko na ngang sinakripisyo para sa kanya. Ngayon nga ay Top 20 na sya. Kasi ako ang nagsagot ng P.T nya pero ayos lang. Mahal ko naman sya eh.

"Ok class. Malapit na ang ating Junior and Senior Promenade. May mga partners na ba kayo?"

"Yes maaaaam. Yipeeeeee." Tilian ng mga kaklase ko.

Buti pa sila excited sa prom. Ako hindi makakasama kasi wala akong pangrenta ng gown saka haleeer? Mas gusto mag coat and tie kesa mag cocktail dress at heels. Hahaha.

Bla bla bla... Natapos na ang klase at pinauwi na kami ng mga teachers for preperation daw sa JS Prom. Beauty rest daw. Achuchu. Kung maganda ka talaga maganda ka kahit hindi ka mag beauty rest. At kung pogi ka gaya ko, pogi talaga. Mwehehehehe.

"Marc may partner ka na ba sa prom?" Tanong ni Jake.

"Sus. Hindi nga ako sasali sa prom eh. Sayaw lang naman yun. Wala yun. Saka hindi ko din naman masasayaw si Bianca kaya hindi na lang ako sasama. Saka gastos lang yan. Hindi naman ako mayaman gaya nyo. Buti na nga lang at hindi compulsary 'yon."

"Edi ako na ang bahala sa mga gagamitin mo. Just leave it to me. Wala akong partner nyan sige ka."

"Ano ka ba Jake madami dyan."

"Sige ganito na lang. Kapag hindi ka sumama, hindi na din ako sasama."

"Ikaw talaga. Basta. Bahala na."

Hanggang sa nakauwi na ko sa bahay.

"Hello nanay. Sino po ang tao sa karinderya?"

"Ah si kuya Michael mo. Ay nga pala anak may nagpadala ng box na iyan oh. Para sayo daw."

"Para po sakin? Kanino daw po galing?"

"Hindi ko kilala eh. Sabi nya pinapabigay daw ng boss nya."

"Ay ganun?"

Lumapit ako sa box. Ang laki naman nito. Cake ba 'to?

Binuksan ko ang malaking box at nagulat ako sa laman nito.

Isang gown sya na light blue ang kulay. Tube sya pero amazing talaga. Wow O.O Ayun lang ang masasabi ko. Grabe ang ganda ganda nya para sa isang babae. Kaya lang tomboy ako kaya hindi yan bagay sakin. Tinignan ko pa ang loob nito. May heels pa. Stilleto ba tawag dito? na kulay black. Ay grabe super ganda ng design nya. Meron pang mga jewelries at pouch na light blue dn.

Ay grabe. Parang gusto ko ng maging babae. Joke ^^

Teka? Diba sabi ni Jake bibilhan nya daw ako? Hindi kaya sya ang nagpadala nito?

"Anak ayun oh may nakasulat ata."

"Ay oo nga 'nay meron po."

Binasa ko ang naka sulat sa maliit na papel.

I'm Inlove with a Retarded Lesbian. XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon