Life. =)

183 4 0
                                    

"Grabe ka naman, bakit mo naman yan tinapon? Regalo yun sakin ng bestfriend ko eh."

"I dont care even if the president gave that fucking handkerchief to you." 

Paalis na sana sya pero may pahabol pa pala. 

"And one more thing, napansin ko lang na dikit ka ng dikit sakin. FYI. I dont make friends with the cheap and poor people like you."

At tinulak niya ako. Napaatras ako. Nakakalungkot naman, ang sungit sungit pala nya. Naalala ko yung panyo ko, kukunin ko na sana ng may kumikinang na black shoes ang umapak don. Tumingala ako at nakita ko si...........

"Mr. Kapre?"

"What? Mr. kapre? Hindi ba ko masyadong pogi para maging kapre?" 

"Mukha ka kasing halimaw kaya mr. kapre ka. Saka isa pa, tanggalin mo nga yang barko mong paa sa panyo ko kung ayaw mong maging duwende!" 

"Alin? Ayan ba?"

At inikot ikot nya pa ang paa nya sa panyo ko. Inis na inis ako. Bigay kaya yun ni jake. Ng bestfriend ko! Kaya wala syang karapatang imassacre yun. Kaya tinulak ko sya with my 101% energy. Napaupo sya ng biglang may sumigaw sa likod ko. 

"How dare you poor girl!" 

At tinulak niya din ako kaya napaupo ako. Word of the day, TULAKAN. xD Pinuntahan nya si Terrence. 

"Are you ok Terrence? May masakit ba sayo ha?" 

"Wala! And you dont care." 

Sabi ng malditong kapre kay Bianca. Grabe ang pagaalala ni Bianca kay Terrence. Sana ako din, kahit lang sana ngitian nya ko, ok na eh. 

"Hoy ms. pandak, were not yet done." 

Sabi ni Terrence at umalis na. Todo habol naman si Bianca. Kawawa naman si Bianca, habol ng habol dun sa kapre na yun. Tumayo na ako para kunin ang panyo ko pero nakuha na pala yun ni Jake. 

"Bakit andumi nitong panyo mo? Saka bakit ka naka upo dyan sa semento?" 

"H-ha? Eh ano kasi, ayun. Kanina, may dumaan na spaceship tapos tinulak ako nung alien. Ang cute nga nung alien eh."

"Kalokohan mo talaga."

At piningot na naman nya ko sa ilong. 

"Aray ko naman, ipaopera mo to pag natanggal ah."

"Ako na ang maglalaba nitong panyo mo. Ibabalik ko bukas."

"Ako na ang maglalaba nyan. Meron pa naman kaming sabon sa bahay, saka idodowny ko pa yan. Alam mo naman na iniingatan ko lahat ng mga regalo mo sakin bestfriend eh." 

"Sus. Nagpaparinig ka lang para bilhan kita ule eh."

"Hindi ah. Sa susunod gandahan mo yung design na ireregalo mo sakin ah. Haha!"

"Sabi na eh. Ako na ang maglalaba nito  ah."

Paguwi ko sa bahay, naabutan ko si ate May na nagkakape.

"Hello ate. Nakauwi kana pala."

Inisnaban nya lang ako.

"Oh ayan na yung allowance mo. Para yan sa isang linggo yan."

"Ate. 500 lang kasi to eh. Wala pa kong pambayad sa tuition ko para sa buwan na to."

"Aba't nagrereklamo kapa ha! Sa private kapa kasi nagaaral. Feeling mo mayaman ka eh mahirap ka lang naman. Buti kung ikaw ang nagkakayod klabaw para lang sa allowance mo at sa pang tuition mo na yan. Tapos may gana ka pang magreklamo." 

I'm Inlove with a Retarded Lesbian. XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon