Great Pretender

37 0 0
                                    

-Third Person POV-

Hindi inaasahan ni Terrence ang pangyayaring naabutan nya sa hall.

Basang basa si Marc. Ang damit nya, ang buhok nya at halos ang buong katawan.

Hindi nya alam na simula ng umalis sila ni Jake ay pinagtulungan siya ng mga estudyanteng babae. Sakto naman na nasa faculty hall ang mga teachers kaya naman walang umaawat sa mga ito.

"Ano? Are you happy? Na pinagaagawan ka nina Terrence at Jake ha? You dont deserve them."

Sabi ng babae at sinabunutan nya si Marc. Hindi naman makalaban si Marc dahil hindi nga sya pumapatol sa babae at isa pa, masyado na syang pinahiya ng mga 'to.

Sa kabilang banda, hindi malapitan ni Terrence si Marc dahil kailangan nya pang pakalmahin ang sarili dahil baka masaktan nya ang mga nananakit kay Marc.

"Ano? Iiyak ka na lang ba dyan ha? You coward flirt lesbian!"

Sabi ng babae at tinulak si Marc. Napaupo naman si Marc sa natapon na cake at nasubsob pa ang mukha nya dito. Walang magawa si Marc kundi ang umiyak na lang.

"Hahahahahaha. You deserve it."

Samantala, sina Bianca at Cindy ay nasa gilid lang at patawa patawa. Nakita ni Cindy si Terrence na naka close fist at akmang susugod na kaya naman umandar na naman ang kanyang bitch brain.

"It's your turn girl. Look at Terrence, galit na galit na sya. Go! Enter the scene and pretend that you will help Marc."

"Really?"

"Yes! Go!"

Agad agad namang lumapit si Bianca kay Marc.

"Hey! Stop it!"

Tumingin naman sa kanya ang lahat.

"Dont hurt my bestfriend."

"Dont get rid of this Bianca. Get lost!"

Sabi ng isa sa mga babae. Pero kasama lang ito sa mga plano nila. Ang maging kawawa din si Bianca para tulungan siya ni Terrence.

"She's my bestfriend and I will help her. All of you, leave her alone!" Sigaw ni Bianca.

Tinulak siya ng isa sa mga babae at napaupo din sya sa cake.

"Then join your bestfriend."

Umiyak na din si Bianca pero mahahalata mong pilit lamang ito.

Ang isa namang babae ay kumuha ng juice at akmang ibubuhos ulit kay Marc ng may humawak sa kamay nya.

Kinuha ni Terrence ang juice mula sa kamay ng babae.

"You will going to pour this on her?"

"T-terrence."

Akmang ibubuhos ni Terrence ang juice sa babae pero hindi nya ito tinuloy at nilagay na lamang ito sa lamesa.

"Good thing, I already calm myself. Or else, you, you, and all of you. You will taste the sweetness of hell."

Itinayo ni Terrence si Marc. Hinubad nito ang jacket nya at isinuot kay Marc.

Dahan dahan silang naglakad. Halata ang panlalata sa katawan ni Marc.

Naramdaman ni Terrence na nanginginig si ito kaya naman mas lalong syang nagalit.

Inupo nya muna si Marc sa isang upuan at binalikan ang mga babae. Sa pagkakataong 'to, hindi na nya kayang nakikitang nahihirapan ang taong mahal nya.

Kitang kita naman ang takot sa mata ng mga babae.

"Who is the brain of all these?"

Walang sumasagot kaya naman mas lalo syang nagalit.

I'm Inlove with a Retarded Lesbian. XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon