#Friendzoned. </3

114 2 0
                                    

"Sumakay ka na rin." Sya.

"Uuwi na ko mag isa. Masaya maligo sa ulan." Ako.

At dumiretso na ako ng lakad. Hindi na sya ulit nag ingay at mukhang pumasok na ulit sa kotse nya. Paglingon ko. O__________O

"K-kapre?"

Patakbo na sana ako papunta kay Terrence dahil nakaupo lang sya sa kalsada habang yakap nya ang sarili nya. Mukha syang basang kapre. Ay basang sisiw pala. :3 Kaso may tumawag sakin.

"Marc!!"

"Jake?"

Si Jake pala na may hawak na payong.

"Halika na." - Jake.

"Pero si Terrence." Ako. Sabay lingon ko kay Terrence.

"Malaki na sya. Kaya na nya ang sarili nya." Si Jake.

"Pero Jake."

"Halika na."

Hinawakan nya ang kamay ko at nag umpisa ng maglakad. Paglingon ko kay Terrence, kitang kita ko ang panginginig ng buong katawan nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo papunta kay Terrence.

"Marc! Marc!!"

Narinig ko pa ang pagsigaw ni Jake sa pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin at tuluyan ng pumunta kay Terrence.

Hinawakan ko ang kamay ni Terrence. Sobrang lamig. Yung tipong pag naglagay ka ng juice magiging ice candy. -.-

Nang maramdaman nya ang presensya ko ay idinilat nya ang mga mata nya.

"M-maricris?"

"Oo Terrence ako to."

"D-dont leave m-me." Sabi ni Terrence na nanginginig pa ang boses.

"O-okay."

Nanginginig pa rin sya. Aalisin ko na sana ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero hinigit nya ulit ito.

"J-just this t-time please?"

"O-okay."

"Marc!" Sigaw ni Jake.

Tumingin ako sa kotse. Masyado na itong malayo kaya dito ko kailangan ang tulong ni Jake.

"Jake pwedeng favor?"

"Ano yun?"

"Pakilapit naman dito yung kotse ni Terrence. Andun yung susi sa kotse nya. Hindi na nya kayang lumakad eh. Please bestfriend."

"Pero."

"Please bestfriend."

"Haay! Okay!" Jake sighed in defeat.

"salamat."

Umalis na si Jake para kunin ang kotse. Napakalakas pa rin ng ulan.

"Okay ka pa ba Terrence? Ang hina mo naman. Parang ulan lang eh." Sabi ko.

Tumingin lang sya sakin at mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Nakukueyente na naman kasi ako eh. Bakit ba laging ganito? Ano bang ibig sabi--

** BEEP BEEP **

Ay ganun? Hindi pinatapos ang emote ko? Lumabas si Jake at tinulungan akong alalayan si Terrence para makatayo. Biglang napatingin si Jake sa kamay namin ni Terrence na magkahawak. Hindi ko alam pero nakita ko ang kalungkuta sa mga mata nya. Kagaya ng nakita ko sa mga mata ni Bianca kanina. Ibig bang sabihin nun ayy.......

- JAKE POV -

** BEEP BEEP **

Bumaba ako para tulungan sila. Pero napatigil ako sa nakita ko. Magkahawak ang kamay nila. Halo halo ang nararamdaman ko. Selos, galit, lungkot at higit sa lahat, takot. Takot na baka mawala sakin ang bestfriend ko. Pero tumulong pa rin ako hanggang sa naka sakay na kami sa kotse.

I'm Inlove with a Retarded Lesbian. XDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon