"Na-double check mo na ba ang mga gamit?" Tanong sa 'kin ni mama habang inaayos niya ang mga gamit na dadalhin para sa bakasyon. Ayaw na ayaw niya pa naman ng may nakakalimutang dalhin. "Two months tayo do'n, baka ma-bore ka." Natawa siya.
"Hindi ah. Magpapaturo ulit ako kay lola magtahi." Nakangiti kong sabi.
Every year kaming pumupunta sa San Agustin. Ever since, doon talaga kami nagsu-summer vacation. Taga doon din kasi ang family ni mama at sobrang close namin sa kanila.
"E 'yang mga gamit mo, kompleto na ba?" Tanong niya sa 'kin.
Hindi ko na alam kung ilang beses niya akong ni-remind na i-double check ang mga gamit ko. Kagabi ko pa nga to na-check, e. Parang wala naman na akong nakalimutang dalhin. Nandito na lahat ng mga kailangan ko. May makakalimutan pa ba ako, e dalawang malalaking maleta ang dadalhin ko?
"Kagabi ko pa to na-check, Ma." Sagot ko naman sa kaniya. 'Yong kapatid kong si Renz ang dapat niyang kumustahin kasi nakaupo lang at walang ginagawa. Inip na inip na kasi siya. Last week pa siya sobrang excited na umalis. Gustong-gusto niya kasi kapag nasa San Agustin kami kasi palagi silang namamasyal ng lolo namin.
Hindi pa kami makaalis kasi hinihintay pa namin si papa na dumating. Pumunta kasi muna siya sa warehouse ng family business namin kasi may gusto siyang asikasuhin muna bago kami bumiyahe.
After ilang minutes ay dumating narin naman siya. Chineck ulit nila ang mga gamit at ikinarga na sa sasakyan. Four hours ang biyahe papuntang San Agustin. 7 AM palang naman ngayon kaya feeling ko makakarating kami do'n before lunch.
Lahat kami excited. Miss na miss ko na sina lolo at lola. Madaming nagsasabi na kamukhang-kamukha ko raw si lola no'ng bata pa siya. Sabagay, pareho naman kaming maganda.
"Nag-text sa 'kin si lolo. Sabi niya we'll go fishing daw mamaya." Nakangiting sabi ni Renz. Hindi na siya makapaghintay. Habang nasa biyahe nga kami ay magka-text sila ni lolo. Buti nalang at naturuan niya si lolo last year kung paano mag-text.
May bahay kami sa San Agustin kaya doon kami di-diretso pagkarating namin do'n. 2 years palang nilang nabili yung bahay. No'ng maliit pa kasi kami ay doon kami nag-i-i-stay sa bahay nina lolo at lola. Pero 'yong sarili naming bahay sa San Agustin ay malapit lang naman sa bahay nina lolo, kaya araw-araw parin kaming magkikita doon.
Natulog lang ako buong biyahe. Hindi kasi ako maagang gumigising tuwing umaga. E, kanina 5 AM palang ginising na kami ni mama para raw mag check ulit ng mga gamit. Heto, sobrang antok ko tuloy.
Hindi ko naman namalayan na nasa San Agustin na pala kami. Ginising nalang ako ni papa at nakita kong nagbababa na sila ng mga gamit. Bumaba narin ako at ang unang sumalubong sakin ay si lola. Niyakap ko siya agad. Sobra ko siyang na-miss. Nakita ko naman si lolo at Renz na magkasama na ngayon.
"Gutom ka na siguro. Naghanda ako ng isa sa mga paborito mo." Nakangiting sabi sakin ni lola. Hay nakakamiss ang luto ni lola. Siguradong mapaparami ang kain ko nito. "Hulaan mo."
"Hmmm... Adobo?" Nakangiti kong tanong.
"Ang bilis mo naman nahulaan." Natatawa niyang sabi.
"E, yun lang naman paborito ko."
"O siya, pumasok na tayo para makapagpahinga ka rin." At pumasok na nga kami sa bahay.
Kahapon pa pala nandito sina lolo at lola para ayusin ang bahay. Maaga rin daw gumising si lola kanina para maghanda ng mga lulutuin. Hindi ko alam bakit sobrang dami niyang niluto e iilan lang naman kaming kakain.
Salo-salo kaming kumain ng tanghalian. Syempre habang kumakain ay hindi mawawala ang kwentuhan.
"Anong plano natin sa birthday ni Lia next week?" Tanong ni lola.
Oo nga pala, birthday ko na nga pala next week. Every year ay dito ako sa San Agustin nagce-celebrate ng birthday. Next week ay 18 years old na ako. Sa pasukan naman ay magfi-first year college na ako.
"Ano bang gusto mo para sa birthday mo?" Tanong naman sa 'kin ni mama. "18 ka na next week, gusto mo pa magpa-party tayo?"
"Ayoko 'no." Natatawa kong sagot.
Never ko talagang naging wish na magkaroon ng party para sa 18th birthday ko. Nakakapagod 'yon. Mabu-busy ka, tapos ang dami mo pang need i-entertain na mga bisita.
"Invite nalang natin sina Tita Joyce at ang mga bata tulad ng dati."
May dalawang kapatid si mama. Sina Tita Joyce at Tito Larry. Mayro'n na silang kaniya-kaniyang mga pamilya. Pumayag naman sila na magkaroon ng kaunting salo-salo para sa birthday ko next week.
Pagkahapon ay umalis nga sina lolo at Renz para mag fishing. May malapit kasing ilog dito sa 'min. Ako naman ay nagpuntang kwarto para mag-ayos ng mga gamit. Dalawang malalaking maleta pa naman ang dala ko, siguradong matatagalan ako nito sa pag-aalis ng mga gamit. Nag-offer naman si lola na tulungan ako pero ako na ang tumanggi kasi alam kong napagod sya kanina sa pag-prepare para sa pagdating namin.
Gano'n parin naman ang hitsura ng kwarto ko. Nilinis lang nila pero wala silang binago sa mga furnitures at ibang mga gamit. Nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit. Inilagay ko sa cabinet ang mga dala kong mga damit, at inayos ko rin ang kama.
Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit, hihiga na sana ako kasi sobra akong napagod kaso napansin ko ang isang picture frame na nakapatong sa bedside table.
Nandito ba 'to dati? Bakit 'di ko 'to napansin kanina?
Nilapitan ko ito at kinuha.
Isang old couple ang nasa picture. Kamukhang-kamukha ni lola pero hindi ko kilala ang lalaki.
Sino ba to?
Lumabas ako at hinanap si lola. Sumama pala sina mama at papa kina lolo sa pangingisda. So kami lang ni lola ang naiwan sa bahay. Nakita ko naman siya sa kusina. Nilapitan ko siya at tinanong kung siya ba ang nasa picture na nakita ko sa kwarto. Nang tiningnan niya ito, kumunot ang noo niya.
"Hindi ako 'yan. Saan mo 'yan nakita?" Tanong niya. E kung hindi to si lola, e sino ito?
"Sa kwarto ko po. Nakapatong sa bedside table."
"Talaga? Hindi ko naman 'yan nakita kahapon no'ng pinalinis ko ang kwarto mo."
Tiningnan niya ulit ang picture. Tinitigan niya ito nang mabuti.
"Kamukha ko nga pero hindi talaga ako 'yan. Sa tingin mo ba hindi ko mamumukhaan kung ako 'yan?" Natatawa niyang tanong.
Oo nga naman. Parang hindi nga naman talaga si lola 'to kasi hindi rin siya ganito manamit, e. Magkaiba rin sila ng gupit ng buhok. Pero pareho kaming sigurado na magkamukhang-magkamukha nga sila. Naisip ko rin na baka kapatid 'to ni lola, e kaso dalawa lang silang magkapatid dati at maagang pumanaw 'yong isa.
Bumalik na ako sa kwarto at ipinatong nalang ulit ang picture frame sa dati nitong pwesto.
BINABASA MO ANG
A View of Us
Teen FictionThe older couple in a photograph she discovers looks familiar - but she doesn't know who they are. One of the people looks a little like her, only older. Could it be a view of the future to come?