CHAPTER 4 - ONE-SIDED OR NOT?

7 0 0
                                    

Ngayong araw ay magpre-prepare kami para sa 18th birthday ko bukas. Hindi naman ganoon ka bongga ang celebration pero gusto ni mama na kahit papaano ay maglagay rin daw kami ng mga decorations. Para sa 'kin naman okay lang kahit wala ng mga decorations tutal kami lang naman magpapamilya ang magsasalo-salo.

E, ano pa bang magagawa ko 'pag si mama na ang may gusto?

Pupunta kami ng kapatid kong si Renz sa shop kung saan nagbibenta ng mga party supplies. Bibili kami ng mga balloons at iba pang mga decorations.

Nasabihan na nga rin pala ang mga tito at tita na pumunta dito bukas. Gusto nga raw nila na ngayong araw agad pumunta para makatulong sa paghahanda, e kaso may mga trabaho sila. Mabuti na nga lang at mayroong assistant si papa sa Hidalgo para mag asikaso ng family business namin. Although every night parin siyang may ka conference call, at least kasama namin siya ngayong summer vacation dito sa San Agustin.

Nandito ako ngayon sa labas at hinihintay si Renz na matapos magbihis para makaalis na kami. Malayo raw kasi 'yung bilihan ng mga party supplies. Nag offer naman si papa na ipagda-drive niya kami papunta do'n, e kaso marami din siyang ibang inaasikaso. Okay lang naman din sa 'kin kasi gusto ko rin ma-try mag commute ulit.

No'ng maliit palang ako, palagi akong sinasama ni lola sa church at sumasakay kami ng tricycle. Ngayon ay sasakay din kami ni Renz ng tricycle. E, kaso itong kapatid ko sobrang tagal.

Ano pa bang ginagawa niya sa loob?

Siguro mga 5 minutes pa akong naghintay bago siya lumabas. Inis na inis nga ako sa kaniya, e. Ang loko naman ay tinawanan lang ako.

Aba, 'di na nahiya sa 'kin at pinaghintay niya talaga ako.

"Hindi ba ikaw si Lia?" Tanong ng tricycle driver sa 'kin. Nabigla naman ako.

Paanong kilala niya ako, e parang hindi naman siya pamilyar sa 'kin?

"Opo. Kilala niyo po ako?" Tanong ko.

"Sabi ko na nga ba, e! Ikaw 'yong palaging kasama ng lola Celly mo dati no'ng maliit ka pa. Suki ko siyang pasahero kahit hanggang ngayon. Ako palaging naghahatid sa inyo dati 'pag pupunta kayo ng simbahan."

Nakakatuwa naman. Namukhaan niya ako. Ako nga kahit anong titig ko e hindi ko siya mamukhaan, e. Na-amaze naman ako kasi parang tuwang-tuwa si manong na nagkita kami ulit.

"Talaga po? Sorry hindi ko po kayo mamukhaan, e." Nahihiya kong sabi.

"E, kasi maliit ka pa no'n. Paano mo nga naman matatandaan ang hitsura ko?" Natatawa niyang sabi. Nakakatuwa naman itong si manong. "Pero ako namukhaan kita kasi wala namang pinagbago hitsura mo."

Mas natuwa naman ako.

Ibig sabihin ba baby face parin ako hanggang ngayon?

"Saan nga pala kayo pupunta? Tara, hatid ko na kayo."

Sinabi ko kay manong na magpapahatid kami sa bilihan ng mga party supplies. Alam niya naman kung saan 'yon, mukhang kabisadong kabisado niya ang pasikot sikot dito sa San Agustin.

Mabilis lang naman kaming namili. Pag-uwi ay si manong parin ang naghatid sa 'min. 'Buti nalang at si manong ang nasakyan namin. Sobrang bait at napakahilig mag kwento.

Pagkarating namin sa bahay ay nagsimula na kaming mag decorate. Sa pagkakaalam ko ay wala naman silang ibang i-i-invite.

Hmm... Invited kaya bukas si Peter?

Kinilig naman ako sa naiisip ko.

Malabo ba 'yon? Parang hindi naman, ah. Friends naman sila no'ng daddy ni Peter. Baka nga ininvite niya na 'yon, e. Sana lang isama niya ulit si Peter.

Kagabi nga pala, sobrang tagal natapos ng kwentuhan nina papa at Tito Claude. Okay sana 'yon para mag stay muna ng mas matagal si Peter sa bahay. E, kaso nauna siyang umuwi kasi sabi niya may aasikasuhin daw siya.

Sobrang busy niya kaya? Gano'n ba 'pag engineering student?

Medyo nalungkot nga ako kagabi, e kasi hindi man lang kami nakapag-usap, although as if naman kakausapin niya ako. Pero sana man lang hindi muna siya umuwi kaagad para mas natitigan ko pa siya.

Ang landi. Ano ba!

Iba talaga 'yong effect niya sa 'kin.

I know, I know. It's way too fast. Pero naco-control ba ang feelings? Parang hindi naman, ah. Hindi rin napipigilan 'yon.

Unang tingin ko palang sa kaniya, crush ko na siya agad. Baka nga sobrang daming may crush do'n, e. Sobrang gwapo niya talaga. At saka mukhang mabait pa. Mukhang masipag at matalino sa school.

Hays ngayon lang ulit ako nagka-crush nang ganito.

Ano kayang first impression niya sa 'kin? Siguro okay lang 'yon na hindi kami nakapag-usap kagabi kasi sabi nga nila, "Less talk, less mistakes." Baka kung nakapag-usap kami kagabi, may masabi akong ikaka-turnoff niya. Naku! Ayoko no'n, ano.

Parang si Peter 'yong tipo ng lalaki na sobrang gentle at kung ikaw ang girlfriend niya, hindi mo maiisip na magloloko siya sayo. Sobrang amo kasi ng mukha. Ang bait niyang tingnan.

Teka.

Oo nga pala! May girlfriend na kaya siya?

Kung nakapag-usap kami kahapon, edi sana naitanong ko sa kaniya kung may girlfriend na ba siya.

Ano ka ba, Lia? Edi sobrang nakakahiya no'n. Hindi pa nga kayo close tapos gano'n na itatanong mo sa kaniya.

Buti na nga lang talaga hindi kami nakapag-usap kagabi kasi mukhang may masasabi nga akong hindi maganda.

"Ate, alam mo ba? Kinausap ako ni kuya Peter kagabi." Biglang sabi ni Renz habang tinutulungan niya akong magpalobo ng nga balloons.

Natigil naman ako sa ginagawa ko.

"Ano? Nakapag-usap kayo kagabi?" Gulat kong tanong.

Ay teka. Mukhang napasobra ang reaction ko. Naku! Baka mapaghalataan tayo. Ano ba, Lia! Kumalma ka naman!

"Diba nag CR ka saglit kagabi bago tayo magsimulang kumain? Tinanong niya ako kung ano raw ba ulit ang pangalan mo." Walang gana niyang sabi sa 'kin.

Talaga ba? Sinabi niya 'yon?

Oh, ayan ka na naman, Lia. Kinikilig ka na naman.

Sinubukan ko namang 'wag ipahalata kay Renz ang kilig ko.

"Talaga ba? Pinakilala na nga ako ni papa sa kanila ni Tito Claude no'ng kararating palang nila, e." Sagot ko na kunwari wala ring gana.

Nagkibit balikat lang siya.

Siguro hindi nakinig si Peter no'ng pinakilala ako ni papa. E, hindi ko nga rin siya agad nakita no'n, e kasi nasa likod siya ni Tito Claude.

Hindi niya ba tinanong kay Renz kung may boyfriend na ako?

Gusto kong itanong kay Renz pero napakahalata ko na 'pag itatanong ko pa 'yon.

"'Yon lang ba pinag-usapan niyo?" Tanong ko.

"Oo." Sagot niya.

Madi-disappoint na sana ako pero bigla akong may naisip.

Bakit niya naman itatanong kay Renz kung ano'ng pangalan ko?

Hindi kaya...








Interesado rin siya sa 'kin?








A View of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon