CHAPTER 3 - LOVE AT FIRST SIGHT

9 0 0
                                    

Tinutulungan ko si mama na maglinis ng bahay. Sobrang kalat kasi ng kapatid kong si Renz. Kung saan-saan niya lang iniiwan ang mga gamit niya. Kahapon ay nagpunta rito ang mga kaibigan niya. Naglaro sila ng video games at iniwan lang nila sa sala ang mga pinagkainan nila. Hays. Nautusan tuloy ako ni mama na magligpit ng mga kalat nila.

Umalis sina Renz at papa para mag-basketball ulit sa may plaza. Pagkatapos kong tumulong maglinis ng bahay ay gusto kong pumunta rin sa plaza kasi matagal na akong hindi nakakapunta do'n. Dati no'ng maliit palang ako, palagi kaming naglalaro doon ng mga kaibigan ko. Kaso balita ko sa Manila na raw sila nag-i-i-stay kasi do'n sila nag-aaral.

Nagpaalam na ako kay mama na pupunta ako ng plaza. Pumayag naman siya. Pumunta muna ako ng kwarto para magbihis. Napansin ko na naman 'yong picture frame na una kong nakita no'ng kararating palang namin dito.

Sino nga kaya 'to?

Tinitigan ko ang lalaki sa picture. Ang weird na hindi ko ma-describe.

Bakit parang napaka-familiar niya na ngayon sa 'kin? No'ng una ko naman 'tong nakita, sigurado naman ako no'n na hindi ko siya kilala, ah.

Dahil sobrang bothered ako sa picture, nag-decide ako na itago siya at ilagay sa may pinaka-ibaba na drawer. Mas maganda kung hindi ko 'to nakikita para hindi ako palaging ma-bother.

Nagbihis din ako agad. Pagkatapos ay naglakad na ako papuntang plaza.

Nakita ko naman agad sina Renz at papa na naglalaro ng basketball. Kalaro nila ang ibang mga kaibigan ni Renz na pumunta sa bahay kahapon. Nang makita ako ni papa, kinawayan niya ako ay sumenyas na samahan ko sila sa paglalaro.

Parang sira. E, alam niya namang hindi ako marunong mag-basketball.

Pumunta nalang ako sa bleachers at umupo. Pinapanood ko lang silang mag-basketball nang may biglang nagsalita.

"Papa mo?"

Nilingon ko siya. Nakaupo siya may itaas na pwesto sa bleachers.

Siya na naman?

Imbis na sobrang ganda ng araw ay bigla itong nasira. Naasar ako agad nang makita ko ang napakalawak niyang smile.

Kanina pa ba siya nandito? Bakit hindi ko naman siya napansin kanina?

Kung alam ko lang, edi sana do'n ako sa malayong pwesto umupo.

"Kanina ka pa ba diyan?" Walang gana kong tanong sa kaniya.

"Oo kanina pa. Tinitingnan nga kita, e."

What a weirdo. Ang creepy, ha.

"Weirdo." Mahina kong sabi sabay irap. Akala ko mahina lang ang pagkasabi ko pero mukhang narinig niya.

"Weirdo ka diyan." Tumawa siya. "So ano nga? Papa mo ba 'yon?"

Tinanong niya nga pala ako kanina, ano. Nakakaasar kasi talaga ang pagmumukha niya kaya hindi ko siya maintindihan kapag nagsasalita siya. Tumango lang ako. 'Wag ko nalang sigurong pansinin 'tong lalaking 'to at baka mas lalong magpaka-feeling close pa siya sa 'kin.

Tumayo ako at lumipat ng pwesto. Sakto namang tapos nang maglaro sina papa. Nagpupunas na sila ng pawis at sinenyasan ulit ako ni papa na uuwi na raw sila. Tumango naman ako at tumayo para sumabay na sa kanilang umuwi.

Hindi ko alam kong bakit pero parang naco-conscious ako kasi feeling ko nakatingin sa 'kin ang Jude na 'yon habang naglalakad ako.

Ah! Nakakainis naman.

Kahit wala siyang ginagawa, naaasar ako habang iniisip ko ang pagmumukha niya.

Wait.

No.

A View of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon