CHAPTER 5 - MIXED EMOTIONS

4 0 0
                                    

Finally! 18 years old na ako!

Mabilis natapos ang araw kahapon pero sobrang nakakapagod. Parang napasobra yata 'yong decorations sa bahay. Akala mo naman sobrang daming bisita.

Hindi parin ako maka move on sa sinabi ni Renz kahapon habang nagde-decorate kami. Oo na! Inaamin ko na. Sobrang assuming ko kahapon. Paanong magiging interesado sa 'kin si Peter, e ako lang 'to. Hello? Ang gwapo niya kaya.

Hays. Malabo kayang magka-crush 'din siya sa 'kin? Maganda naman ako, ah.

Mamayang hapon pa raw dadating sina tita Joyce at iba pa naming mga relatives. Kaunti lang naman sila. 'Yong mga relatives na sobrang close lang namin ang invited. Hindi ko rin nga naman gets kung bakit ang iba e nag-i-invite ng mga bisita na hindi naman ka-close. Kung minsan nga e hindi talaga personal na kakilala. 'Buti nalang hindi gano'n sina mama.

Anong oras kaya dadating sina tito Claude at Peter?

Tinanong ko nga pala si papa kanina kung inivite niya ba sina tito Claude. Sabi niya naman oo raw. Natuwa nga ako, e. Sino ba namang hindi matutuwa 'pag makikita ulit ang crush. Ano ba 'to! Para naman tayong high school nito.

E, kaso hindi ko alam kung anong oras sila pupunta dito sa bahay. Sana naman 'wag sila masyadong magpa-late. Baka ngayon kausapin na ako ni Peter, tutal birthday ko naman. Sana hindi siya umuwi ng maaga, hindi tulad no'ng nakaraan. Pero sa totoo lang, kapag nandiyan na si Peter siguradong mahihiya ako. Gano'n naman talaga, diba?

Ngayon ay nagpre-prepare ako ng susuotin ko para mamayang gabi. Gabi kasi ang celebration. Sobrang dami kong dress na dala, kaya nahihirapan akong pumili kung anong susuotin ko para mamaya.

Ano kaya magandang kulay? Kung kaya ko lang hulaan akong kulay ng damit ni Peter mamaya, edi sana gano'ng kulay din susuotin ko para matchy kami.

Naunang dumating dito sa bahay sina lolo at lola. Si lola kasi ayaw paawat. Gusto niya tumulong sa pagha-handa. Parang mas excited pa nga siya sa 'kin, e.

"Carmela, may gusto sana akong papuntahin dito mamaya." Sabi ng lola ko kay mama.

May gusto ba siyang i-invite? Sino naman kaya?

"Sino po, Ma?" Tanong naman ni mama.

"Naaalala mo ba 'yong kinwento ko sa 'yo dati na mabait na binata na laging tumutulong sa 'min ng papa mo sa pag-aalaga ng mga hayop?"

Talaga? May tumutulong kina lola? Ang bait niya naman. Naku kung gusto 'yong i-invite ni lola, sobrang walang problema sa 'kin.

"Ah opo naaalala ko. Wala namang problema, Ma. Mabuti nga na papuntahin niyo mamaya para makilala rin namin." Sagot naman ni mama.

Alam niyo sobrang bait talaga ng lola ko. Kung mayroon mang mga tumutulong sa kanila ni lolo ngayon, feeling ko kapalit na 'yon ng sobrang kabaitan niya. Marami din kasing natulungan si lola dati. Wala nga siyang kaaway kahit isa, e.

"Happy birthday, ate." Masayang bati ni Renz.

"Ano ba 'yan! Late na." Pabirong sabi ko sa kaniya. Tanghali na kasi pero ngayon lang siya nakapag-greet sa 'kin. Napakamot lang siya ng ulo.

Sobrang bilis ng oras. Ilang minuto nalang ay dadating na ang ibang mga bisita. May mga nauna nang nakarating didto. Nandito na sina tita Joyce at tito Larry. Kasama nila ang sobrang cute naming mga pinsan.

Kulay purple na dress ang suot ko. Hindi naman gano'n ka bongga. Actually simple nga lang siya, e. Ako lang din ang nag makeup at nag ayos ng sarili kong buhok. Simpleng birthday celebration lang kasi talaga ang ine-expect ko, tutal sobrang konti lang naman ng mga bisita.

Ilang minuto pa at dumating na nga ang ibang mga bisita. Kaso wala pa sina tito Claude. Makakapunta kaya sila?

Oo na. Inaamin ko na. Si Peter lang talaga inaabangan ko.

Maya-maya ay tinawag ako ni mama. Nandiyan na raw kasi 'yung bisita na pinapunta ni lola. 'Yung na-kwento niya na tumutulong daw sa kanila ni lolo sa pag-aalaga ng mga hayop. Siguro sobrang bait niya. Akalain niyo 'yon? Ang dami niyang pwedeng atupagin sa buhay pero nagagawa niya paring tulungan sina lolo at lola. Ilang taon na kaya siya?

Tumingin ako sa paligid. Wala naman akong nakikitang bisita na hindi pamilyar sa 'kin. Sa'n kaya 'yung tinutukoy ni lola? Hindi ko na rin kasi alam kung saan nagpunta si mama. Tinawag niya ako kanina pero bigla rin siyang nawala.

Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa 'kin.

"Renz, ano ba?" Pagtaboy ko sa kaniya. Tingin parin ako nang tingin sa paligid. Hindi ko na hinarap si Renz. Alam ko namang walang kwenta ang sasabihin niya. "Pwede ba? Makipaglaro ka nalang sa mga pinsan natin."

"Sino si Renz?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Hinarap ko siya, at biglang nasira ang gabi ko.

Anong ginagawa ng mokong na 'to rito?

Wala na. Wala ng masaya sa birthday ko. Ngumiti siya ng nakakaasar.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. "Hindi mo ba alam na invited guests lang ang pwede rito?" Pagma-maldita ko. Hindi talaga ako maldita, pero hindi ko kasi mapigilan 'pag itong si Jude na 'to ang kaharap ko.

"Edi pwede ako rito kasi invited ako." Ngumiti siya.

Sinong niloloko niya? Siya? Invited? Ang kapal ng pagmumukha.

"Sinong inuuto mo? Sino namang mag-i-invite sayo?"

Ngumiti lang siya at may tinuro siya sa bandang likuran ko. Nang tiningnan ko ang tinuturo niya ay nakita ko si lola at mama na papunta sa direksiyon namin.

"Nandito lang pala kayo." Natatawang sabi ni lola.

Don't tell me...

"Nagkakilala na ba kayo?" Tanong ni mama.

"Hello po tita. Opo nagkakilala na po kami." Nakangiting sagot ni Jude. Aba, at siya pa talaga ang sumagot. Akala mo kung sinong mabait. Nakakainis.

"Mabuti naman. Lia, siya 'yung tinutukoy ng lola na tumutulong sa kanila."

Ugh! I hate it!

Sa dinami-dami ng pwedeng tumulong kina lola, bakit itong mokong pa na 'to? Birthday ko naman, ah. Bakit hindi pa binigay sa 'kin ang peace of mind?

"Ah talaga? Ang bait mo naman." Sarcastic kong sabi sa kaniya habang pilit na ngumiti. Napansin ko namang pilit niyang pinipigilan tumawa.

"Naku, wala 'yon." Sagot niya naman na parang nang-aasar.

Aba aba, hinahamon talaga ako ng mokong na 'to.

"Ma, lola, puntahan ko na po muna ang mga pinsan." Paalam ko. Sana 'wag na silang magtanong para makaalis na ako rito kasi parang sasabog ako sa inis 'pag kaharap ko si Jude. Mabuti nalang at ngumiti at tumango lang sina mama.

Umalis na ako pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si papa. Kasama niya si tito Claude at ang kanina ko pang hinintay. Nakatingin siya sa 'kin habang papalapit sila.

Parang nawala lahat ng inis ko at napalitan ng kilig, because finally...






Peter's here.















A View of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon