chapter 1

56 4 0
                                    

nakatingin pa rin ako sa kaniya at inaasahan kong babawiin niya ang kaniyang sinabi.
hindi siya ang Cyrus na nakilala ko. hindi siya ganiyan noon. handa niya akong ipagmalaki palagi at ipagsigawan sa buong mundo.

hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyari para magbago ito.

“nakakahiya? paano ako naging kahiya-hiya?” tanong ko sa kaniya at bawat salita ko ay parang may kung anong tumutusok sa aking puso

inis niya akong tinignan. “huwag ka na magtanong, pumasok ka na lang sa kwarto! ayokong maabutan ka nila, panigurado akong kasama nila ang mga girlfriend nila at ayokong mapahiya na ganiyan lang ang girlfriend ko!” saad niya pa at kinuha ang cellphone niya nang may tumawag sa kaniya.

"Kinahihiya niya ako" bulong ko sa hangin at tumawa ng mahina sapat na para marinig niya yun

ngumiti ako nang mapait. kinakahiya niya ako.

hindi muna ako umalis at hinintay siyang matapos na makipag-usap.
matapos siyang makipag-usap ay gulat siyang tumingin sa akin.

“nandito ka pa rin? talagang ayaw mong pumasok sa kwarto? huwag mong hintayin na hatakin kita papasok doon!” sigaw nito sa akin.

napayuko ako dahil sa pagsigaw niya at pinipigilan na maiyak.

" Ang sakit ang sakit sakit kinahihiya niya ako" Saad ko Sa aking isipan

hinawakan ko ang mga kamay niya at mabilis itong niyakap.

kahit na inaalis niya ang yakap ko sa kaniya ay pilit ko pa rin itong niyayakap.

“mahal, hindi ka naman ganiyan noon, ha? nasaan na ang dating Cyrus na nakilala ko? nasaan na ang cyrus na handa akong ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo?” umiiyak kong tanong sa kaniya.

saglit siyang napatahimik at napatigil sa  pagtulak sa akin. “wala na at huwag mo ng asahang babalik pa ang dating cyrus” sagot nito

Umangat Ako ng tingin at nag iwas naman siya ng tingin saakin

humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan ang mga pisnge niya.
“ayos lang kung hindi na babalik, huwag mo lang akong iiwanan ha?” saad ko sa kaniya at nginitian Ito

inilapit ko ang mga labi ko sa kaniya ngunit agad itong umiwas para umalis.

“huwag mo na akong dramahan, sige na. umakyat ka na sa itaas at pumasok ka na sa kwarto. huwag na huwag kang lalabas hanggang wala akong sinasabi. tandaan mo, ayokong mapahiya sa mga kaibigan ko” saad nito sa akin at agad akong tinalikuran.

doon na ako nagsimulang umiyak at nanghihinang umakyat sa itaas.

"Sobrang sakit ngayon Lang niya ako kinahiya Bakit? May Mali ba saakin? Pangit ba Ako?" Patuloy akong umiiyak habang tinatanong ang sarili

bawat hakbang sobrang bigat.

wala na ang dating mahal ko, wala na ang dating cyrus ko.

One mistake in exchange for three livesWhere stories live. Discover now