chapter 15

32 2 0
                                    

kumaway ako pabalik sa kaniya at sumakay na sa jeep.
kinakabahan ako. hindi ko alam.

makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na ako sa bahay namin.

hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. sobrang bigat sa pakiramdam.

dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. tahimik ang bumungad sa akin.

“Cyruss? nasaan ka?” tanong ko at kinapa ang pader para mabuksan ang ilaw.

ganoon na lang ang panlulumo ko nang makitang may kasama itong ibang babae.

“C-cyrus” mahinang tawag ko sa kaniya at bumagsak ang bag na hawak ko.
gulat silang tumingin sa akin at si Cyrus ay lumapit sa akin.

“bakit?” tanong ko sa kaniya.

“L-Leya” gulat niyang saad nahalat ko itong Walang emosyon

Sana Mali Ako Ng iniisip Mali ako

“bakit mo ako sinasaktan ng ganito? bakit hindi mo na lang tapusin ang lahat? bakit gusto mong durugin ako?” umiiyak kong sigaw sa kaniya.

“tngina, Cyrus! ang lakas lakas kong tao pero ewan ko kung bakit nagiging mahina ako pagdating sa’yo!” sigaw ko sa kaniya at pinapatuloy ang pag iyak

Hindi niya Alam na nawalan kami ng anak tapos ganito pa ang makikita ko.

hindi siya nagsalita at ang babaeng kausap niya ay umalis.

“kaya ba kinakahiya mo ako dahil may iba ka na? dahil ba may iba ka ng pinagmamalaki? minahal lang naman kita, ha? bakit kailangan mong saktan ako? bakit hindi mo na lang suklian?” umiiyak kong sigaw. nanatili siyang tahimik paulit ulit na Ito ang tanong ko sa aking sarili

Simula pa nung una Tama ako.

One mistake in exchange for three livesWhere stories live. Discover now