chapter 9

33 2 0
                                    

tumango-tango ako at umiwas muna kay Doc para mapunasan ang luha ko.
muli akong tumingin sa kaniya.

“ah, pasensiya na. akala ko kasi ay darating siya. nakalimutan kong busy nga pala siya” saad ko kay Doc.

tumango naman ito sa akin. “maayos na po ba ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin.

tumango at ngumiti ako sa kaniya.

“maayos naman na po” sagot ko.

“ano ang masakit sa’yo?” tanong niyang muli.

“ang puso ko dahil hindi na ako” sagot ko at napaiwas.

narinig ko naman ang pagtawa niya.

“mukhang hindi ka pa handang malaman ang sasabihin ko” saad niya dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya.

“ano po ang dapat kong malaman?” tanong ko sa kaniya at labis na pag tataka

“hindi na muna, mukhang hindi mo pa kaya” saad nito.

“kaya ko po, kinaya ko ngang malamang hindi na ako” nakangiting saad ko. napatahimik siya.

“biro lang po, okay lang ako. masama lang po ang pakiramdam ko” pagbabawi ko.

tumango naman siya at ngumiti

“dahil sa pagbagsak mo ay hindi na buo ang bata sa sinapupunan mo. tama ang narinig mo, pinagkalooban ka ng sanggol ngunit binawi rin ito” saad niya sa akin.

hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya. para akong mababaliw. hindi ko kinakaya ang mga nangyayari sa araw na ito.

ito ang pinaka-kinamumuhian kong araw. kung kaya ko lang na burahin ang araw na ito sa kalendaryo, gagawin ko. ang sakit.

One mistake in exchange for three livesWhere stories live. Discover now