chapter 14

34 2 0
                                    

makalipas ang isang linggo ay pinalabas na ako ng Doctor. maayos naman na raw ang lagay ko.

“marami pong salamat” saad ko sa Doctor.

ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

“bilib ako sa’yo dahil sa sobrang tatag mo. bilib na bilis ako sa’yo. tatagan mo lang ang loob mo. alam kong hindi madali ang mga nangyari sa’yo. niloko at nawalan ka ng anak, kaya mo iyan. malalagpasan mo iyan. hindi ka bibigyan ng pagsubok ng nakakataas na hindi mo kayang lagpasan” payo sa akin nito.

ngumiti ako sa kaniya at muling nagpasalamat.

“Leyq! nakalabas ka rin!” sigaw ni Arianna at mahigpit akong niyakap ang sarap pala na may karamay ka Sa Lahat

ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. nagpasalamat ako sa kaniya.

“oh, sige na! ihahatid na kita” saad nito sa akin.

“huwag na, kaya ko naman” tanggi ko.

umiling-iling siya. “ihahatid na kita, baka may gawin na naman sa iyo ang Cyrus na ’yan! hiwalayan mo na kasi siya! hindi ka na mahal, teh” saad niya sa akin.

“ang sakit mo naman. diretsahan talaga?” tanong ko sa kaniya at tumawa naman siya.

“huwag mo na ako ihatid. promise, kaya ko!” pag pupumiglas syempre gusto ko mag emote eh Bakit

“sige, sabi mo eh. alis na ako. basta kapag sinaktan ka niya ulit at kailangan mo ako, tawagan mo ako ha? i’m always here for you, i love you!” saad niya at kumakaway na umalis.

One mistake in exchange for three livesWhere stories live. Discover now