hindi siya sumagot at parehas natuon ang pansin namin nang may marinig na busina. agad siyang sumilip sa bintana at kinakabahang tumingin sa akin.
“nandito ulit ang kaibigan ko, pumasok ka na ulit sa kwarto” saad nito sa akin.
umiling ako sa kaniya. “ayoko! kung ayaw mo naman na, maghiwalay na lang tayo! hindi mo na kailangang ikûlong pa ako, kusa akong aalis! pumunta lang ako rito para ipaalam sa’yo lahat! aalis na ako” nag matigas ako ayoko na pagod na pagod na'ko.
akmang aalis na ako nang hawakan nito ang mga kamay ko at agad akong hinila kahit na nasasaktan ako.
pumapalag ako ngunit malakas ito. nararamdaman ko namang bumibitaw ito kapag naririnig ang pagdaing ko.
agad niyang binuksan ang kwarto at itinulak ako doon sa loob. nagmamadali nitong isinarado ang pintuan at ako naman ay kumakalampag ngunit hindi niya ako pinapakinggan.“Cyrus! palayain mo na ako, hayaan mo naman akong maging masaya” sigaw ko at nag simula nanamn manakit ang dibdib ko
wala akong narinig na kahit anong ingay pa. iniwan niya ako. muli na naman niya akong kinulong sa kwartong puno ng masasakit na alaala.
pagod na pagod na akong magtiis. hindi ko deserve ang mga nangyayari sa akin. minahal ko lang naman siya, bakit ganito ang kinahantungan?
Ito na ang huling beses na maabuso mo'ko.
YOU ARE READING
One mistake in exchange for three lives
Mystery / Thrillerthis is tragic story po and I hope y'all like it mwuuaahhh