Ako nga pala si TROY. Fourth Year High School sa Private School. Classmate ko ang kababatang kong KAIBIGAN na si KIMBERLY. Masungit, laging wala sa mood pero kahit ganun sweet kami minsan.
Magkaibigan ang mga parents namin. At nagkaroon na ng kasunduan ang mga parents namin na kami na ang magiging mag-asawa. Mukhang tanga lang no?
Tambayan namin sa bakanteng lote na may iisang PUNO. Bata palang kami dun na kami tumatambay. At bata palang minahal ko na siya ng sobra. Pero siya mahal niya kaya ako?
FLASH BACK
Elementary Days, pareho kaming walang paki sa oras at kung anong nangyayari sa paligid. Basta makapaglaro kami o magkasama okay na kami dun. Tambayan namin sa puno. Dun kami naglalaro palagi. Lahat ng hayop na nkikita namin sa loteng yun hindi sya natatakot minsan nga kahit natatakot ako sa hayop na yun sya hinahawakan nya pa. Kakaibang babae, walang kaarte-arte sa kawatan.
