Ang Pagtatapat...

13 0 0
                                    

Dinala ko na yung bag niya habang akay-akay siya pauwi sa kanilang bahay. 

Nang nakarating na kami sa tapat ng gate nila. Nagdoorbell siya pero ni isa walang lumalabas. 

Kaya ang ginawa  ko inakyat ko yung bakod nila para mabuksan yung gate "NINJA MOVES" lang.

Pagkapasok at pagkapasok namin pinaupo ko na muna siya. Tsaka ako pumunta sa Kusina nila para basain yung panyo ko.

KIMBERLY: Anong gagawin mo diyan sa basang panyo?!?

AKO: Ipupunas ko diyan sa sugat mo. Bago pa mkita yan ng magulang mo.

KIMBERLY POV

Nung sinabi ni Troy na pupunasan niya yung sugat ko. Hindi ko alam kung mahihiya ako o kikiligin.

Kikiligin?

May gusto ba ko sa kanya?

OO isang malaking OO.

Gusto ko siya. Siya na lang naman yung hinihintay ko e. Pero nung sinabi niya sakin dati na may gusto na sya. Parang bumagsak ako ng ewan. OO mataray ako medio moody nagagawa ko lang yun kasi ayaw kong may magbago sa pagiging BESTFRIEND ko sa knya. 

Pinunasan niya  yung sugat ko.

TROY: Wag kang malikot ha. Saglit lang to. 

AKO: Kaya ko naman kasi gawin yan e. (Pabulong kong sabi)

Mapride talga ako kahit kailan.

TROY:ok na po. Prinsesa.

Tinawag niya akong PRINSESA? Sa bagay pinagsisilbihan niya naman kasi ako.

TROY: Uwi na ko. 5:30 na. Nalinis ko naman yang sugat mo. Kaya mo naman na yata mag-isa dito.

AKO: Ha? Uuwi ka na? (Pasigaw na tanong ko sa knya.) ah este, sige umuwi ka na nga. Kaya ko na sige. S A L A M A T ulit ha.

TROY: Sige bye na Prinsesa ko. (Sabay halik sa kamay ko)

Tama ba tong ginagawa ko? Nagpapadala ako sa emosyon ko. Hinalikan niya kamay ko... OMG\!

AKO: (Binatukan ko siya dahil sa ginawa niya) Umalis ka na nga.

---- KINABUKASAN_____

Hindi ako pumasok este hindi ako pinapasok ng Parents ko. Nakakapanibago lang kasi sila ang hindi nagpapasok sakin ang WEIRD.

DADDY: Kimberly! May pupuntahan tayo mamaya.

AKO: San naman po?

DADDY: Wag ka ng magtanong.

TROY POV

FLASHBACK

Kahapon paghatid ko kay Kimberly sa bahay nila. Walang tao. At alam ko kung bakit walang tao. Kasi kinumbinse ko yung Daddy niya at sinabi ko na sa Daddy niya ang balak kong panliligaw. At pumayag naman ito... Daddy niya na mismo ang bumili ng flower na ibibigay ko sa knya. Maaga na rin ako umuwi kahit 7 pm nandun pa ko sa bahay nila 5:30 palang umuwi na ko para bumili ng bracelet na ibibigay sa knya.

Back tayo sa Present

Tinawagan ko si Kimberly

AKO: "Prinsesa ko, Good Morning, Kita tayo sa Tambayan natin mamaya"

 KIMBERLY: "Kaso, aalis din kami ni Daddy"

AKO: "Saglit lang naman e. "

KIMBERLY: "Sige na nga. " 

KIMBERLY POV

 Hindi ko naman natatanggihan si Troy e.

Maya-maya tinawag na ko ni Daddy naka ayos na ko. Tapos bumaba na ko. 

AKO: Dad san po ba talga tayo pupunta?

DAD: Sumakay ka na sa kotse, susunod na ko.

Okay sumakay na ko sa kotse, siguro sa isasama lang ako ni Dad sa office niya. Ay naku e ang boring dun e. 

Maya maya sumakay na rin si Dad sa Car. Inistart niya na yung car at umalis na kami.

Maya maya nagtataka ako kasi hindi yun yung way na palabas ng village namin papunta kami sa Lote na tinatambayan nmin ni Troy.

AKO: Dad? Mali po yung way naten.

Hininto ni Dad yung sasakyan sa tapat ng lote at teka may natatanaw akong Lalake at si Troy ba yun? Naka formal wear  siya,. at ang gwapo gwapo niya. 

At ang dating puno lang nagkaroon ng ilaw kahit maaga at may mga bulaklak sa paligid ng puno.

 TROY POV

Pababa na siya ng sasakyan, di ko alam kung anong sasabihin ko. *Deep Breath*

Papalapit na siya...

At nakalapit na nga sa kin.

KIMBERLY: Hoi, anong pakana na namn to. Pati si Daddy dinamay mo pa. 

AKO: sorry kung ako pa yung dahilan dahil umabsent ka pa. Oo pinlano namin lahat ng ito. Ngayon lang ako nagkaroon  ng lakas ng loob para sabihin sayo ito.

KIMBERLY POV

Tama ba ang mga naririnig ko. Kahit nagtataray na ko. Di ko parin maiwasan kiligin.

TROY: Mahal kita Kimberly matagal na simuloa Elementary palang tayo mahal na kita. At yung sinasabi ko sayong Crush ko. Ikaw yun. 

OMG. Totoo ba talga ito?

AKO: Ha?

TROY: Alam kong mabilis ng lahat ng ito. Kaya kong hintayin yung sagot mo (Sabay halik sa noo ko)

Kung kaya niyang maghintay sa sagot ako, AKO hindi ko kayang hindi ngayon sagutin ang tanong niya. Hirap na baka mawala pa siya sa akin e.

AKO: (Habang hinahalikan niya ang noo ko nagsalita ako bigla) OO. Mahal din kita TROY. Mahal na mahal kita.

TROY: Seryoso?

AKO: Oo nga Seryoso ako.

TROY POV

YES! Sinagot niya na ako. Doble ang saya ko ngayon

Kami na SYOTA ko na sya.

Pangako mamahalin kita at hinding hindi ka magsisi.

Duyang GulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon