Masasayang Araw

15 0 0
                                    

KIMBERLY POV

Ito na ang pinakamasayang araw ko, na kami ng taong mahal ko. Pinapangako ko na magbabago ako.

29 ang monthsary namin at malapit na kami mag 3 months sa December 29.

Wala kaming ginawa buong December kundi parang araw araw Valentines parin.

Lagi niya akong hinahatid sa bahay. Hinahalikan sa noo. Mas sweet daw kasi kapag sa noo. 

Oh, kaya mag-movie marathon sa sinehan bibili sya lahat ng tickets ng palabas sa sinehan. Ang yaman naman nito.

Kapag nilalamig ako kusa niya na lang ibibigay yung Jacket niya sa akin at isasandal sa balikat niya. 

AKO: Hon, paano kapag namatay ako? (Pabulong kong sabi sa knya)

TROY: Ikaw mamatay. Imosible yun. Ako pa yata ang mamatay kapag nawala ka sakin e.

--

Minsan siyempre sa relasyon hindi naman naiiwasan ang magkaroon ng away. Pero naayos naman namin agad yun. Ayaw niya kasing magkagalit kami e.

Naalala ko pa nga nung nag away kami dahil sa selos niya dun sa lalaking niyakap ako, nagpakalasing siya at pumunta dito sa bahay ng basang basa kasi naulan din nun.

Sumisigaw siya sa labas ng bahay namin. Pero siya pa yung humihingi ng sorry. E ako na nga yung may mali.

Dahil dun, dun na siya natulog sa bahay. Pinunasan ko siya at pinalitan ng suot kasi basang basa siya buti na lang meron siyang naiwan na damit dito.

DECEMBER 25 MERRY CHRISTMAS first time kong makatabi sa pagtulog ang taong mahal ko. Ilang araw na lang monthsary na namin. (Habang nakapatong yung ulo ko sa dibdib niya.) Nag iisip ako ng ibibigay sa kanya. Ano bang gusto niya? Alam ko mahilig lang siya sa mga CD mahilig kasi siya manood ng Pelikula. Alam ko na ibibigay ko sa kanya.

Nagising na pala siya.

TROY:  Merry Christmas Nhie.

AKO: Ha?

TROY: Sabi ko merry Christmas. 

AKO: Ay, Merry Christmas din Hon. May iniisip lang ako.Sorry.

Nginitian niya ako. Nakakakilig yung ngiti niya.

Tumayo na kami pareho para mag almusal kasabay ng family ko. Mga 9:30 naligo na rin siya sa amin. Pagkalabas ng banyo nakabihis na siya. 

TROY: Nhie baka sa mga darating na araw magiging busy ako. 

Napatulala naman ako. E malapit na yung monthsary namin 

AKO: Ha bakit? malapit na monthsary natin diba. 

Bigla niya kong hinalikan sa noo ng saglit at hinalikan niya ko sa labi, ngayon niya lang ginawa yun. 

Maya-maya umalis na siya. Ako naman yung naligo aalis din ako para bumili ng regalo sa kanya. Malaki laki narin namn yung naipon ko.

Pumunta ako sa mall at pumunta sa sikat na store ng mga Wristwatch. Kaya relo yung ibibigay ko sa kanya kasi napansin kong wala siyang relo.

SALESLADY: Good Morning po.

Hindi ko pinansin yung saleslady. Tuloy tuloy akong naghahanap ng relo para sa kanya.

AKO: 

Ate patingin po nun.

SALESLADY: Sige po ma'am wait lang po ha.

At ipinakita na sakin nung Saleslady yung relo.

SALESLADY: Ma'am last stock na po namin yan. Mabenta po kasi yan e. Sure po ako magugustuhan po yan ng Boyfriend mo.

Magaling siyang mag salestalk ha. Totoo naman na maganda. And sure ako na magugustuhan  yun ni Nhie.

At binili ko na nga.

Duyang GulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon