Duyang Gulong

26 0 0
                                    

Nasa lote na kami at binaba na namin yung gamit namin. Minsan dun na nga kami gumagawa ng assignments para deretso tulog na lang sa bahay. 

KIMBERLY: Hoy, Troy. Ang boring na... 

AKO:  Boring? Boring na ba kong kasama?

KIMBERLY: Hindi ah, wala na kasi tayong gagawin tapos na lahat ng ginagawa naten. 

AKO: (Tumayo ako at naglakad lakad sa palibot ng lote)

KIMBERLY: Ano bang ginagawa mo? May hinahanap ka ba? (pasigaw niyang sabi sakin)

AKO: Maghintay ka lang diyan (sigaw kong sinabi sa kanya baka kasi di niya marinig e.)

KIMBERLY POV

Saan kaya pupunta yun? Ano naman balak nung mokong na yun. 

Maya-maya parating na siya at may hawak na gulong at lubid. Ano naman kayang balak niya dun?

AKO: Hoy, anong balak mo diyan?

TROY: Gagawin kong duyan. Sabi mo diba naboboring ka na? At para narin maiba.

AKO: SIguruduhin mo lang na safe yan para hindi ako mahulog.

TROY: Oo, naman parang wala kang tiwala sa akin e.

TROY POV

Natapos ko na rin ang pagkakabit ng duyan. 

Pinasakay ko na siya at inaaalalayan ko baka kasi matumba. Pero nagmatigas siya ng ulo miski kaya niya daw yun di na daw siya bata. Pinabayaan ko na lang baka magalit pa e. 

AKO: Dahan-dahan lang mamaya tumalsik ka.

KIMBERLY: Wag kang mag-alala kaya ko to.

Ang sarap niyang panoorin, sana lagi na lang siyang masaya... 

Maya-maya ay tumalsik siya dahil sa sobrang taas ng pagkakaduyan niya...

KIMBERLY: Troooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...

Bigla akong napatayo sa kinakaupuan ko. 

AKO: Sabi ko kasi sayo e. Dahan dahan lang. (Tinatayo ko siya.)

KIMBERLY: Sabi ko kasi sayo. Dapat safe yang ginawa mong duyan. Edi sana di ako nalaglag. Kaya kong tumayo  wag mo kong akayin na parang bata.

AKO: Ako pa talga yung sinisi mo. Umuwi na nga tayo. Para malinis na yang sugat mo.

Nakakatawa yung mukha niya hindi malaman kung galit ba o nasasaktan dahil sa sugat niya.

Duyang GulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon