FLASHBACK
Second Year High School kami pilit ko paring tinatago yung nararamdaman ko sa kanya. Ang tagal ko ng tinatago yun.
Habang naglalakad kami papunta sa Lote.
AKO: Wala ka bang nagugustuhan na lalaki? Second Year na tayo ah.
KIMBERLY: (Binatukan ako) Ako magkakagusto? Wala pa yan sa plano ko. Mag-aaral muna ako baka kapag Fourth Year na. E ikaw? may gusto ka na ba? o Nililigawan?
AKO: (Tinignan ko siya sa mata sa mata) Ako? Meron na kong gusto sobrang tagal na. Pero sabi niya kailangan niya pa daw mag-aral muna. (Nginitian ko siya)
KIMBERLY: (Binatukan ulit ako) Ikaw ha may secret ka na sakin, parang hindi mo nasasabi sakin yan ha. At take note, siguro di sya handa kasi pareho kaming gusto munang mag aral muna. Bigyan natin siya ng CODE NAME: Ms. Seryoso.
AKO: Nakakadalawa ka na sakin. Bakit naman MS. SERYOSO
KIMBERLY: Kasi parang kakaiba sya hindi sya tulad sa ibang babae na nalaman na may gusto sa knila yung lalaki grabe na yung kilig. At SERYOSO siya sa pag - aaral.
